Chapter 33

18.5K 648 21
                                    

Star's

"Enjoy!"

Napakunot ako nang noo sa sinabi sa akin ni Allyson nang makasalubong ko siya dito sa hallway malapit sa opisina namin. Nakangiti siya na waring kinikilig, sobrang saya ng aura niya. "Uh, is something good happened to you?"

She shrugged and giggled. "I'm just happy for you."

"Huh?" Lalong nadagdagan ang naramdaman kong pagtataka dahil sa sagot niya sa akin. Happy for me? Bakit? "I don't understand you, Allyson."

She smiled genuinely and hugged me. "Soon, you will, my friend," she whispered.

With one last tap on my shoulder, kumindat siya bago tuluyang lumayo sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi ang panoorin na lang siyang maglakad.

Napakamot na lang ako sa ulo bago pumasok sa office at medyo nabigla pa ako dahil naabutan ko si Tita na nakaupo sa recliner. She smiled bago mabilis na lumapit sa akin para yakapin ako.

"T-tita?" I asked, confused. What's with the hug?

"Umuwi ka na muna." Wika niya na ikinakunot muli ng noo ko. Iba rin ang ngiti niya. Parang katulad ng kay Allyson.

"Bakit po?" tanong ko. Umiling lang siya at iginiya na ako palabas.

Kakapasok ko pa lang sa loob pero pinapalabas na ako. Okay, anong mayroon?

"Magpahinga ka muna at mag-enjoy."

Enjoy?

"Pero—"

"Pumunta ka na sa parking lot. May maghahatid na sa iyo pauwi." Putol niya sa kung anumang sasabihin ko.

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay kaagad din niyang sinara ang pinto sa harapan ko. Kumatok ako pero ayaw niya akong pagbuksan. Napakamot na ako sa may kilay ko at napabuntong hininga. Kung sabagay, mukhang kailangan ko nga ng pahinga. Napangiti ako. Tatawagan ko na lang si Shann kapag nakauwi na ako.

Pagkalabas ko ng gusali ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba habang naglalakad ako papunta sa parking lot. Weird. Bakit ako kinakabahan?

Isinantabi ko na lang ang kung ano mang nararamdaman ko at nagpatuloy na lang sa paglalakad hanggang sa matanaw ko ang isang familiar na sasakyan na palaging naghahatid-sundo sa amin. Isa itong itim na sasakyan, heavy tinted ang salamin nito kung kaya't hindi mo makikita ang taong nasa loob.

Walang lingon na pumasok ako sa loob at napasinghap nang malanghap ko sa hangin ang isang pamilyar na amoy na ilang linggo ko ding hinahanap. That citrus scent. Too familiar for my liking.

Halos hindi ako makakilos sa pwesto ko, para bang napako na ang mga paa ko sa kinauupuan ko, ni hindi ko magawang lumingon. Pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa sa loob ng sasakyan.

My heart beats faster when my left side shifted. Could it be...

"I missed you, Star."

I gulped. That familiar voice. It sounded so real. This time ay nangahas na akong lingunin ang nasa gawing kaliwa ko at may ilang beses pa akong napakurap dahil pakiramdam ko ay dinadaya ako ng paningin ko. Totoo ba ito? "Shann?"

Then, she smiled. That smile...that smile which I missed the most. Ang nagmamay-ari ng ngiting iyon.

She went closer upang mahawakan ako sa pisngi. Napahawak ako sa mga kamay niya. Mainit. Katulad pa rin ng dati. Hinawakan ko ang mukha niya, magmula sa mga mata niya. Napapikit siya habang dumadausdos ang daliri ko pababa sa ilong niya, papunta sa pisngi, at sa huli ay sa mga labi niya. "Ikaw ba talaga 'yan, Shann?"

Don't Touch Me (GL)  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon