"Mom, may hinihintay pa ba tayo?"
Napatingin siya sa akin pagkatapos ng five minutes kong pananahimik. Ngayon na ang araw ng alis nila papuntang States. Hindi naman kami nagmamadali pero nagtataka lang ako. Nakaupo si Dad sa harap ko at patingin-tingin sa relo niya.
"Yes, baby." Mom answered,"Parating na siguro 'yon."
Tumango na lang ako. I tapped my phone while waiting. Sino naman kaya ang hinihintay nila? Maybe that person is an important individual. My parents—lalo na si Dad—hindi siya maghihintay kung hindi importante ang isang tao.
Nag-vibrate ang phone ko kaya agad ko itong ini-swipe. A smile crossed my face when Star texted me.
Take care, Shann.
I quickly tapped for a reply habang hindi naaalis ang ngiti sa labi ko. Ang sweet niya talaga. Natural na yata sa kanya iyon.
I will. Wait for me, Star.
"Seems like may nagpapangiti na sa baby ko, ah." Comment ni Mom na may bahid ng pang-aasar sa boses. "And who is that lucky guy?"
I chuckled at her question. "Wala po, Mom."
And the guy you are talking about is a girl, that's what I wanted to say pero sinarili ko na lang. Hindi pa naman nila alam kaya expected ko nang they will assumed my special person as a man. Napansin kong nagtaas ng kilay si Dad at ngumiti. Hindi ko gusto ang ngiti niya. Umiwas na lang ako ng tingin at isinawalang bahala ang nakita ko. Guni-guni ko lang siguro.
Since no'ng bata pa ako, masasabi kong mas malapit talaga ang loob ko kay Mom kaysa kay Dad. Nag-b-bond naman kami, may mga moments kami ng father ko. He's sweet and charming, mapagbigay, and he spoiled me a lot. Pero may attitude siya na iniilagan ko. Kung anong gusto niya, iyon ang masusunod. That's what I don't like about him, dinidiktahan niya ang mga taoj sa paligid. But then, who am I to judge? I know he have his reasons. Pero hindi ko pa rin alam kung ano iyon.
Nakarinig ako ng busina ng sasakyan. Lumapit yung maid sa amin at sinabing nasa labas na ang hinihintay ng magulang ko. Dad nodded and smiled. Inutusan na rin niya yung mga kasambahay na dalhin ang gamit palabas.
He motioned us na lumabas na kaya sumunod kami. I held my mother's hand at agad naman siyang napangiti.
"You'll always be my sweet baby, Shann," she said.
I smiled and nodded. "Always, Mom."
Nakangiti akong lumabas. Pero agad iyong napawi nang makita ko ang inaasahang bisita ng ama ko. At ito ang taong hindi ko inaasahang makita ngayon—o sa mga susunod pang mga araw. Hindi ko maiwasang mapaismid.
"You look beautiful as always, Shannelle." He said with full of obvious admiration. Lumapit siya sa akin at inabot ang isang tangkay ng puting rosas. "A white rose for you."
I guess he forgot that I dislike roses. Wala akong nagawa kung hindi tanggapin ang bigay niya. Napatingin kasi ako kay Dad at kita ko sa mata nito ang expectation. Ayoko rin namang ipahiya ang lalaking ito sa harap nina Mom.
"Thank you, Keith." matabang na sagot ko. Pilit akong ngumiti. Paano ako ngingiti ng totoo kung mainit pa rin ang ulo ko sa kanya? Hindi ko pa rin nakakalimutan ang kagaguhan niya.
"Mukhang close naman pala kayong dalawa." Patangu-tangong sabi ni Dad. "That's good to know."
"Hindi naman—"
"Yes, Tito." Pagputol niya sa akin. "Actually, we're getting along together."
Parehas silang may malaking ngiti sa labi and I'm clenching my hand in disgust. Liar. Ganito palang laro ang gusto mo.
BINABASA MO ANG
Don't Touch Me (GL) [Completed]
Romance[This is a GL story] Started writing on November, 2014 Story completed on April, 2016 ** Haphephobia is an intense and often irrational fear of being touched or of coming into physical contact with other people, regardless of who that other person m...