"Anong sabi?"
Pinatay ko ang ilaw na nagmumula sa phone ko at lumingon kay Star na may questioning look sa mata. Ngumiti ako nang tipid. "Pupunta raw siya pero saglit lang."
She smiled with a nod. Today's December 24. Tumawag kanina si Rain para sabihin na tatawag siya later—video call to be exact—and gusto niya na kasama ang girlfriend niya na best friend ko. Kakatapos ko lang tumawag kay Kris and good thing dahil pwede siyang makapunta rito mamayang gabi, although kailangan niyang bumalik din agad dahil kakailanganin din siya sa kanila. Plus she can't celebrate her Christmas here. Kami lang ni Star ngayon ang magkasamang sasalubong ng Pasko.
I feel giddy about it and at the same time, I'm feeling sad. Wala rito ang parents ko. My first Christmas without them.
I smiled when I felt Star's warmth on my side. Nakayapos ang mga braso niya sa waist ko at nakasandal naman ang mukha sa balikat ko.
"I'm excited," mahinang wika niya.
I held her left hand and intertwined our fingers. "Excited?"
"Hm," She nodded. "Hindi ko mapigilan malungkot kasi wala na ang nanay ko, pero masaya pa rin ako at excited kasi first Christmas ko 'to na kasama ka."
"Masaya rin ako, Star." I kissed her forehead. It was pleasant to hear it from her. "You don't know how happy I am right now."
"I love you!" She said, her cheeks looked pink.
Okay. Bakit ba hindi pa rin ako nasasanay kapag ganitong sweet siya? Kinikilig talaga ako eh. "I love you, too, Star. So much."
A couple of second had passed. Tahimik lang kami habang nakatingin sa kawalan. I love it this way. Bawat minuto kasama siya, kahit tahimik lang, kahit magkatabi lang kami, okay na okay na. Natatawa tuloy ako, ilang beses ko na kayang naisip 'to? Maraming beses na siguro. Napaka-satisfying lang ng ganitong moment na kami lang.
"Shann?"
"Hm?"
"Ikaw magluluto?"
"Yes po," sagot ko. Pinag-off ko ang mga maid. Makasama man lang nila ang mga mahal nila sa buhay ngayon. At para masolo ko rin si Star.
"Madami kang iluluto?"
"Yeah. Bakit?"
"Can I help you?"
Napatingin ako sa kanya. "Eh, Star, gusto ko na—"
"Please?" She pouted her lips.
What the—did she just? Damn. She's so cute! As in!
"S-Star—"
"Please?"
Oh, my goodness. Kill. Me. Now. She's so freaking adorable that I could kiss her right now.
Wala sa loob na napatango na lang ako. Hindi ko siya matanggihan, eh. My heart skipped a beat when she smiled at me. Yung ngiti na alam mong masayang-masaya talaga siya. Napangiti na lang din ako at ginulo ang buhok niya.
"Thank you, Shann!"
"Welcome." I smiled sweetly.
"Alam mo, Shann, may nabasa ako. Scientific explanation why there are gays." sabi niya. Bumitaw siya sa akin. Seryoso lang ang expression niya.
Alam ko yung sinasabi niya. Actually, nasabi siya ng teacher namin sa physics noon. Pero hindi ko na lang binigyang pansin. "So, ano namang masasabi mo?"
She bit her lower lip. "I don't like it. Really. Kasi kung iisipin, para na rin silang nag-conclude that a person who's gay is just a product of hormonal imbalance. May mali. But then, to whom fault is that?"
BINABASA MO ANG
Don't Touch Me (GL) [Completed]
Romance[This is a GL story] Started writing on November, 2014 Story completed on April, 2016 ** Haphephobia is an intense and often irrational fear of being touched or of coming into physical contact with other people, regardless of who that other person m...