"Yes."
Naalimpungatan ako at napamulat ng mata. Nilibot ko ang paningin at napansin na nandito ako sa sarili kong kwarto. Wait, yung nangyari kagabi...totoo ba?
Kaagad kong sinipat ang oras sa phone ko, ten na ng umaga. Niligpit ko ang tinulugan ko at pumunta na ng banyo para mag-ayos. Nagmamadali akong pumunta sa kwarto ni Star para i-confirm kung panaginip lang ba ang nangyari kagabi o totoo talagang girlfriend ko na siya. Hindi pa rin ako makapaniwala.
"Star—" Napahinto ako nang mapansing wala siya sa kama niya. Pumasok ako sa loob at tumingin sa paligid, no sign of Star. Napakamot ako sa ulo. "Baka nasa living room."
Nagmamadali akong bumaba at pumunta sa sala pero hindi ko rin siya nakita. Aside sa malinis ang lugar, wala akong nakitang sign na may ginalaw siya rito. Walang book na nakapatong sa center table, eh. Usually ganoon ang maaabutan ko. Muli ay napakamot ako sa ulo at dumiretso naman sa kusina. Napaawang ang bibig ko nang makita ang mga pagkaing nakahain sa mesa.
Pero ang mas nagpanganga sa akin ay nang makita si Star habang may suot na apron at nakangiti sa akin. Sa pagkakaalam ko, wala pa rin ang mga kasambahay namin. So, siya nagluto ng lahat ng nakikita ko? Lumapit siya sa akin at napalunok ako.
"Good morning," Bati niya sa akin nang tuluyang makalapit. Hindi na ako halos nakapag-react nang tumingkayad siya upang bigyan ako ng mabilis na halik. Napahawak na lang ako sa labi ko habang nakatulala sa kanya. She chuckled shyly. "Na-istatwa ka na."
Napatikhim ako at napakamot sa noo. "A-ah. T-totoo ba yung kagabi? Hindi 'yon panaginip?"
She laughed in a low tone. "Ano 'yon?"
Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. "G-girlfriend na talaga kita?"
She blushed and smiled wider. Awe, ang ganda talaga ng ngiti niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila paupo sa upuan, umupo rin siya sa tabi ko. Saka ko lang naramdaman ang gutom ko nang muling masilayan ang mga pagkain na si Star ang nagluto.
Bakit ganoon, ang ganda ng presentation ng mga niluto niya at mukhang masarap? Hindi na ako nag-atubili. Pinaghain ko na ang sarili ko habang nakatitig sa akin si Star. I smiled back at her at hinalikan siya sa pisngi at pinaghain din siya. Kumain agad ako at napahanga.
"Masarap?" tanong niya.
Parang batang tumango ako. "Sobra!"
She blushed at nagsimula na ring kumain. Paminsan-minsan, nagkakatinginan kami tapos sabay lang na ngingiti. Mukha lang talaga kaming ewan. Titingin ako kapag hindi siya nakatingin tapos ganoon din siya. Natatawa tuloy ako kasi para kaming mga bata.
"Girlfriend na ba talaga kita?" I asked after we ate. Ako na ang nagkusang maghugas ng plates. Ang sarap ng kain ko. Pwede ko na 'tong pakasalan si Star.
"Yes po." Narinig kong sagot niya.
Nang matapos akong maghugas, tinuyo ko agad ang kamay ko at hinarap siya. Naalis na niya yung apron na suot kanina. Mapagkakamalan na siguro akong baliw dahil ang laki na ng pagkakangiti ko.
"I love you, Star."
"I love you, too."
Bumaba ang tingin ko sa labi niya. Yung malambot na labing bumalik sa akin kagabi at kanina. I gulped. I'm tempted. "Can I kiss you?"
She bit her lower lip and blushed. So cute. Nagdiwang ang sistema ko nang tumango siya sa akin. I grinned childishly kaya hinampas niya ako ng mahina sa balikat. Inabot ko yung kamay niya at inilagay papunta sa nape ko, ganoon din ang isa pang kamay niya. I snaked my arms around her waist. I looked at her eyes para tingnan kung ayos lang sa kanya. She just smiled so I continued to pull ourselves closer.
BINABASA MO ANG
Don't Touch Me (GL) [Completed]
Romance[This is a GL story] Started writing on November, 2014 Story completed on April, 2016 ** Haphephobia is an intense and often irrational fear of being touched or of coming into physical contact with other people, regardless of who that other person m...