Chapter 46: My Boyfriend’s Birthday
Ilang araw lang ang nakalipas matapos ang aksidente ay nagising na rin si Raniel. Matinding pag aalala ang dulot ng aksidenteng nangyari sa pamilya niya at ni remelyn. Tumawag ng bonggang bongga ang nanay ni Raniel kay Remelyn ng 24/7 na para bang unli ito to all networks. Nakakagulat lang dahil. Sun si Remelyn at Globe ang nanay ni Raniel, patunay ito na sa globe abot mo ang mundo. Oo alam kong nakakaasar dahil singit ako sa kwento gayong, hindi naman ako kasali pero wala kayong magagawa, ako kasi ang writer. Ahem, magbalik loob tayo sa kwento.
Nang gumaling si Raniel ay pinuntahan siya ni Aira, mabuti na lang at wala si Remelyn ng mga panahon na iyon kung hindi ay bugbog sarado siya, mainit na kasi ang dugo sa kaniya n gating bida dahil sa kabobohang ginawa ni Aira. Bakit nga naman mauuwi sa aksidente ang pagbili ng sunblock? Mabuti na lamang at nagising na si Raniel kung hindi ay binalik ni Remelyn na kasuhan si Aira upang itigil na nito ang kabaliwan. Nakakalungkot lamang at walang batas na nagsasabing bawal ang mga kontrabida sa mga istorya sa wattpad.
Huminga ng malalim si Aira, kinakabahan siya dahil sa alam niyang magagalit sa kaniya si Raniel. Nasa pinto na siya ng kwarto nito sa Ospital, agad siyang pumunta ditto ng tawagan siya ng nurse ng ospital na gising na si Raniel, ang nurse kasi na ito ay kaibigan ng kaniyang kapatid na si Mayfe.
Pinihit niya ang doorknob at nanginginig ang tuhod na pumasok sa loob ng kwarto. Sa loob ay naabutan niya ang nakaupong si Raniel na may benda sa ulo at kanang kamay. Nangingilid ang luha niya ng maalala niya na siya nga pala ang dahilan ng nangyaring ito sa taong mahal niya.
Makasarili siya, oo alam niya iyon, at kung minsan ay padalos dalos. Simula bata pa siya ay spoiled na siya kaya gusto niyang lahat ng bagay ay mapasakaniya. Kaya naman ng malaman niya na sina Remelyn at Raniel na ay gumawa siya ng paraan para magkalayo ang dalawa. Naniniwala siya na mahal pa rin siya ng lalaki, gusto niya itong mapasakamay muli. Gagawin niya ang lahat mapasakaniya lang muli ito, kahit ang magpahamak ng iba ay hindi niya alintana. Gumawa siya ng plano para ipahamak ang karibal, pero nagkandalets#-lets# ang lahat dahil si Raniel. . . . . . . ang taong pinakamamahal niya ang naaksidente.
Napansin siya ni Raniel, agad rumehistro sa mukha nito ang disgusto na Makita siya. (understandable naman). Lumapit pa lalo si Aira upang hawakan ang kamay ni Raniel pero inalis ng binate ang kamay nito sa kaniya.
“bakit ka nandito?”-Raniel
“sorryyy. . . . . . . . hindi ko alam na. . . . “-Aira
“Aira, ayos lang na naaksidente ako, wala sa akin yun, pero paano kung si Remelyn ang nasaktan? Muntik na siyang mapahamak Aira! At Dahil iyon sa pagiging stubborn at childish mo! Hindi kita mapapatawad kung si Remelyn ang napahamak! How could you do this? Para sa sarili mong kaligayahan hahayaan mo na may mamamatay?”-Raniel
“pero hindi ko naman alam na ganun pala ang pwedeng mangyari”-Aira
“sa tingin mo sapat na rason yan para sa kasalanang ginawa mo? Isipin mong ikaw si Remelyn at naaksidente ka, matutuwa ka ba? Maawa? Kapag ang dahilan ng akusado ay hindi niya alam na ganun ang kahihinatnan ng kabaliwang ginawa niya?”-Raniel
“Raniel, hindi ginusto ang lahat”-Aira
“Tama na ang kasinungaling! Ano to joke? Hindi mo ginusto? Wag mo akong paikutin. Hindi bat gusto mong mapahamak si Rem dahil gusto mong bumalik ako sayo? Hindi ba?! Pwes, kahit mag iba ang takbo ng mundo, hindi kita mamahalin, kahit kalian, Wala nang natitirang pagmamahal na para sayo, ditto sa puso ko. Kaya pwede ba ha, lubayan mo na kami, para sa ikabubuti nating lahat”-Raniel
“pero mahal kita”-Aira
Umiyak na si Aira.
Napabuntong hininga si Raniel.
“makakahanap ka pa ng lalaking mamahalin ka at mamahalin mo, sorry aira, kahit kalian hindi pwedeng maging ako ang lalaking iyon, umalis ka na aira. . . . . . . . . . sorry pero, ayaw na kitang Makita pa.”-Raniel
Walang nagawa si Aira kung hindi ang umalis.
Lumipas ang ilang mga araw at Nakalabas na si Raniel. Naging napakahirap sa kaniya ang mga sumunod na araw, hindi pwedeng magbasketball, computer games, magpatugtog ng gitara at kung anu ano pang mga bagay na nangangailangan ng tulong ng dalawang mga kamay. Kaya naman school at bahay lang ang madalas niyang puntahan.
Matapos ang dalawang lingo ay nagging mabuti na rin ang braso niya kaya’t nagawa niya na ulit ang mga paboritong gawin.
Naging maayos nanaman ang lahat dahil hindi na sila ginagambala ni Aira. Naging masaya ang lahat.
At lumipas nga ang mga araw at dumating na ang pinakahihintay ng lahat. . . . . . ang birthday ni Raniel.
(Remelyn’s POV)
Birthday ngayon ng boyfriend ko, nasa loob siya ngayon ng napakalaking bahay nila dito sa navotas. Nakakatuwa dahil napakaraming bisita. Kaso, nasaan na kaya siya ngayon?
Kami ng barkada ay nandito sa isang table sa loob, marami kasing nakakalat na table para sa mga bisita, may buffet style naman na Hainan sa may kanang side ng napakalaking bahay. Sa gitna naman ay may isang engrandeng hagdan na pang romantic ang dating. Sa tingin ko ay dito daraan si Raniel mamaya.
Nakakatawa lang dahil, parang birthday ng babae ang magaganap. Hindi naman sa pinagtatawanan ko ang birthday ng boyfriend ko no? pero parang birthday talaga ng babae. Kung hindi niyo kasi naitatanong, ang gusto talagang panganay ng mama ni Raniel ay babae, inakala nila na babae si Raniel, kaya naman puro damit pangbabae ang binili nito, laking disappointment nito nang malamang lalaki ang anak, kaya naman nag anak ulit ng isa pa at ginawa ang lahat para maging babae ang sumunod.
At dahil sa unang anak na mag18 si Raniel, kahit hindi niya pa naman talaga dapat debut dahil 21 pa dapat siya magdedebut, ay engrande na ang nangyari. Ito raw kasi ang pangarap ng mama ni Raniel noong bata pa siya na hindi naman natupad dahil nga sa istrikto ang mga magulang at ayaw ng mga magagarbong parties.
Kaya kawawang Raniel, siya ang nagsasuffer, ang totoo ay ayaw niya ng ganito, hindi niya gusto ang mga pakulo ng mama niya dahil nga nagmana siya sa mga lolo niya. Isang batang matanda si raniel pagdating sa decision making dahil sa lumaki siya sa mga lolo niya, nang mamatay ito ay sa mga mama niya na naghiwalay at napunta siya sa papa niya. Ang gulo, basta ayon na un!
Maya-maya ay umalis ang mga kasama ko, hindi ko napansin dahil nga nakikipagkwentuhan ako sa inyo sa isip ko. Nababaliw na ba ako?
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at hinanap ang mga kaibigan ko.
“Jazz. . . . . . . BABOY! PANDAK, SQUIDWARD, DAGA, BARNEY. BABA! Hoy mga panget!”-sigaw ko
Hindi nila ako pinansin? Teka, baka invisible na ako? Baka mamaya . . . . . . . amaghost?! Hindi maari, nararapat lamang itest ko ang aking hypothesis.
“AKO SI AMAYA!”-sigaw ko
Agad akong pinagtinginan ng mga tao, aha ! buhay pa ako, hindi ako multo, hindi ako invisible, im so visible, at . . . . . at. . . . . nakakahiya.
Pinagtinginan ako ng mga tao, kapag topakers nga naman ohh. Nakakaasar. Pinag uusapan nila ako, oo, naririnig ko ang mga bulong bulungan nila sa akin, siguro akala nila baliw ako, dibale, marami naming namamatay sa maling akala, bato bato sa langit, tamaan, tanga. Hehe.
Sumundo na lang ako sa paglalakad ng barkada kong snobers, baka mamaya magsimula na ang birthday ni Raniel at wala pa kami doon. Naku, paano na iyon, ako pa naman ang first lady, dapat maganda ang image ko.
Patuloy pa rin sila sa paglalakd. - . , -^
Pumasok sila sa isang room at sumunod ako, kaso pagpasok ko, sobrang dilim.
“guys?”-me
Walang sumasagot! L
Maya-maya may umakap sa akin!
“AAAAAAAAAAAAAAAAAGGGGGGGGGGGGGGHHHHHHHHHHHHHHHHH!”-me
Sumigaw ako ng sumigaw pero tinakpan ng panyo ang ilong ko at. . . . .
“sorry rem”, wika ng isang pamilyar na boses
Nakatulog ako.
BINABASA MO ANG
Kidnapped Heart (COMPLETE) *BOOK 1*
RomanceMeet Remelyn, ang babaeng nangako na kahit kailan ayaw niyang magaya sa mga babaeng madalas nating mapanood sa t.v. mga babaeng umiiyak dahil sa pagmamahal. Ayaw niyang maging ganun, kaya naman umiiwas siya sa mga kamag anak ni Adam. Kaya nang dumat...