(Remelyn's POV)
Ilang araw na ang nakakalipas noong huli kaming nagkita ni Kidnap heart. Pakiramdam ko long distance relationship ang dating namin dahil napakabusy naming dalawa at minsan lang kami magkita. Pero nagkakatext naman kami everyday. "Good morning", "Good afternoon", "Good evening" 'Kamusta ka na?", "Kumain ka na ba?", "Nakapasok ka na?","Sabog ka na ba", "Ano gawa mo?". Yan yung mga madalas naming itext sa isa't isa. Routine na namin yan pero hindi naman nakakasawa.
-TEXT RECEIVED from KIDNAP HEART-
Sumabog agad ang puso ko at nagmadali akong binuksan ang text message niya.
"Namimiss na kita".
Kung alam mo lang namiss na din kita. Ayan yung gusto kong sabihin sa kaniya pero ito yung natext ko:
"The feeling is mutual, miss ko na rin ang sarili ko".
(CLICK SEND BUTTON)
Maya-maya biglang may anino sa likod ko. Bigla ko na lang nakita ang isa sa pinaka nakakatakot na nilalang sa mundo. Si Monica, ang friend ko dito sa school. GUYS MEET MONICA. Siya lang naman ang isa pang baliw na nadagdag sa buhay ko.
"text ng text, boyfriend mo yan no!"
"Ahh, oo"
"Kailan mo ba ipapakita sa akin yan? Ilang buwan na hindi ka naman sinusundo o kung ano!"
"Mala nanay ka nanaman? gifted ka talaga sa pangagaral no! Tsaka isa pa hindi naman taga sundo ang boyfriend. Kung gusto ko ng alalay dapat kumuha na lang ako ng yaya"
"WOW! YAYA BIG WORD!"
(new message received from KIDNAP HEART)
"Puntahan kita sa school. Sunduin kita"
Biglang inagaw ni Monica yung phone sa akin at binasa niya yan ng sobrang lakas.
"uyyy! susunduin ka niya ! ano na?! magpasundo ka na!"
"ayoko nga ! akin na yan sasabihin ko ayoko!"
Hindi ko kasi ugali yung magpahirap sa kaniya. Mahirap mag aral, sayang pamasahe, pang load na din niya yun.
"ano ka ba naman, akala ko ba miss mo na siya!"
"oo nga miss ko na and so?"
"and so, magpasundo ka!"
"ayaw!"
BINABASA MO ANG
Kidnapped Heart (COMPLETE) *BOOK 1*
RomanceMeet Remelyn, ang babaeng nangako na kahit kailan ayaw niyang magaya sa mga babaeng madalas nating mapanood sa t.v. mga babaeng umiiyak dahil sa pagmamahal. Ayaw niyang maging ganun, kaya naman umiiwas siya sa mga kamag anak ni Adam. Kaya nang dumat...