REMELYN'S POV
Kinakabahan ako. Habang papalapit kami ng papalapit kay na Raniel, lalong lumalakas yung kabog ng dib dib ko.
Sa totoo lang, hindi ko gusto ang pakiramdam na 'to. Pakiramdam ko, dapat kainin na ako ng lupa. Ang daming pumapasok sa isip ko. Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko.
Gusto kong magwala, gusto kong manakit.
Pero, tama ba yun? Tama bang magwala ako?
Noong papalapit na kami ni Terrence bigla kong tinanggal yung kamay ko sa kaniya.
Tumigil ako sa paglalakad.
Biglang napatingin sa akin si Terrence.
"BAKIT?"
"......"
Hindi ako sumagot.
"Niloloko ka niya. Bakit ayaw mo siyang comprontahin?"
"Para saan pa?"
"Anong para saan? Tinotwo-time ka niya! Hindi mo ba nakikita?!"
Gusto kong magalit. Sana marunong akong magmura para masabi ko lahat ng masasamang bagay sa kaniya. Sana matuto akong mag labas ng galit ko.
Pero sa sobrang sakit.
Sa sobrang sikip ng dib dib ko.
Hindi ako makapag salita. Walang lumalabas na hangin sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
Kidnapped Heart (COMPLETE) *BOOK 1*
RomanceMeet Remelyn, ang babaeng nangako na kahit kailan ayaw niyang magaya sa mga babaeng madalas nating mapanood sa t.v. mga babaeng umiiyak dahil sa pagmamahal. Ayaw niyang maging ganun, kaya naman umiiwas siya sa mga kamag anak ni Adam. Kaya nang dumat...