Chapter 16: Love sick
(Raniel’s POV)
What a day ! lintek, nag-away pa kami ni dad. Nakakaasar naman kasi si dad ehh, simula nang iwan ni mom, he is drinking alcohol hanggang sa malasing siya ng todo. At kung sinu-sino pangchicks ang dinadala dun sa bahay, kaasar.
Hindi ko na siya matagalan kaya I decided to leave. Pumunta ako ng M.C, 2 hours na ako doon nang tumawag si marwin, pupunta raw sila sa gimikan kaya ito ako, sumama. Tapos napansin ko nung nandoon na kami sa fisherman’s village na may 1/8 na illustration board, ang sabi ‘ROOM FOR RENT’ kaya naisip ko na patulan na iyon. Tutal, wala naman akong pwedeng ibang puntahan, tsaka may naipon naman ako sa bank account ko. Hinanap ko kung saan yun. Desperado na kasi ako.
Nahihiya ako noong malaman ko na kay na rem kami pupunta, pero mas nahiya ako noong malaman ko na sa kanila pala yung may pinauupahan na kwarto.kaya ang ginawa ko, umasta ako na parang walang nangyari, nakakainis iyon pero, wala akong magagawa kailangan kong may matuluyan.
“hoy paniz, anong ginagawa mo rito?!”-remelyn
“wala lang”-me
“ano bang problema mo?”-remelyn
“mukha mo”-me
Actually nahihiya ako sa pinag gagagawa ko dahil nagawa ko pa siyang asarin sa kabila ng lahat pero like what I said, I’m desperate. Desperate. . . . and . . . . pogi.
Pumasok na lang ako sa loob noong bahay tapos noong Makita ko yung matandang babae na mukhang incharge sa household, kinausap ko siya tungkol sa pag upa ko doon sa kwarto.
Tinignan ko yung room, pumasok kami sa loob ng kwarto, sinarado noong matanda yung kwarto then may sinabi sa akin.
“anak, medyo conservative at baliw yung anak ko, ayun yung nasa kabilang kwarto, yung pintong katapat nito, sana pagpasensiyahan mo na lang, medyo spoiled kasi yun”-nanay ni rem
“ahh, opo, ayos lang po iyon, siya nga po pala, ito na po yung bayad”-me
Biglang bumukas yung pinto.
>.> >.> O.O
Si remelyn
Ayt, pasaway.
“ma, anong ibig sabihin nito?!”
Huh? Anong ibig sabihin? Ayaw niyang magbayad ako sa upa?
O.o
“oh, anak si raniel bago nating housemate”-mama ni rem
Nagulat si remelyn, nakakatawa talaga ang itsura niya.
Hahahahahahahhahahha, naiimagine ko pa lang natatawa na ako. XD
Anyways, nabasa ko yung diary niya, grabe naaliw ako, crush niya pala ako? Haha.
Kaya naman pala namumula siya kapag pinupuntahan ko siya or nilalapitan, nakakatawa, haha.
Pero parang ginagamitan niya ako ng reverse psychology.
Ohh, well, haha.
FAST FORWARD. . . . . .
Anong ginagawa ko ngayon? Simple lang, getting ready for bed.
Daming nangyari ngayon.
Pero bakit kaya ganito kapag mag-isa na lang ako si aira ang naiisip ko, ganito ba talaga kalakas ang tama ko sa kaniya?
Na hanggang ngayon apektado ako ng mga nangyari noon, kahit siya alam kong wala na sa kaniya yon?
Nakakatawang isipin na sinabi niyang mahal niya ako pero sa isang iglap kinalimutan niya ang lahat.
BINABASA MO ANG
Kidnapped Heart (COMPLETE) *BOOK 1*
RomanceMeet Remelyn, ang babaeng nangako na kahit kailan ayaw niyang magaya sa mga babaeng madalas nating mapanood sa t.v. mga babaeng umiiyak dahil sa pagmamahal. Ayaw niyang maging ganun, kaya naman umiiwas siya sa mga kamag anak ni Adam. Kaya nang dumat...