CHAPTER 52: THE TOUR

351 8 4
                                    

REMELYN’S POV

Ito na yung araw na pinapapunta ako ni Kidnap heart sa school nila. Sa totoo lang nagulat ako dahil ang daming tao ang nasa labas ng mga kaniya kaniyang building.

Sa pag kakaalam ko kasi may Klase. MEANING: dapat mag aral na lang wag gumala.

Pero ang festive talaga ng aura ngayon.

Maya-maya may lumapit sa akin na babae. Maganda siya naka skirt at floral na top. Maganda siya at may buhok na hanggang shoulder.

“Hi, welcome to UP Fest”

“Hi, salamat”

“Ako si Andrea. And you are?”

“Im Remelyn”

“hi Remelyn, mukhang may hinahanap ka ha”

“Oo nga ehh, inaantay ko kasi ang---“

“BOYFRIEND MO?”

“Oo kaso wala pa siya tsaka hindi ko alam kung ano pasikot sikot dito kaya hindi ko siya mahanap ehh”

“Gusto mo itour kita dito sa school?”

“ahh, sige sure”

Naglakad lakad kami. Habang naglalakad kami napansin kong majority ng mga lalaki napapatingin sa amin. At syempre hindi dahil sakin. Dahil yun kay Andrea.

“siya nga pala, ang swerte mo, ngayon ka pumunta maabutan mo ang INTRAMURALS”

“ahh, talaga? Ngayong araw yun?”

“Oo, malupit ang labanan ngayon dahil may freshmen kami na sobrang daming fans dito sa school”

“ahh, talaga?”

“oo, ang gwapo niya kasi talaga tapos matalino pa, kaso may girlfriend na.”

“aww, saying naman. Crush mo no?”

“Oo, crush ko. Hindi bale, aagawin ko siya sa girlfriend niya”

Bigla akong napalunok. Kung ako siguro ang girlfriend ng crush niya, matatakot na ako dahil ang ganda ganda ni Andrea. At take note, mukhang si Andrea pa ang tipo ng babaeng hindi magpapatalo.

Kidnapped Heart  (COMPLETE) *BOOK 1*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon