CHAPTER 54: SINO ANG DAPAT SISIHIN?!

404 6 0
                                    

Maaga pa langgising na gising na ang diwa ko. Paano ba naman kasi si Jazz hindi na matigil sa kakatili. Pakiramdam ko tuloy nakalunok ng isang matinding mega phone ang pinsan ko sa sobrang lakas ng boses niya kakatili.

“SOBRANG CHEESY talaga nila kagabi as in sobra po tita!” asar sa akin ni jazz.

Ang mama ko naman nakatingin sa akin na parang nang aasar.

“Dalaga na talaga ang anak ko! Akalain mo yun babae ka pala anak!”- asar sa akin ni mama.

Napabored face na lang ako, sa totoo lang hindi ko naman talaga plano ang magkagusto sa kahit na kanino. Hindi ko talaga plano pero napakaflirt lang talaga ng love at pati ako nadamay. BIKTIMA LANG DIN AKO.

“kumain na lang po tayo”

Nanahimik ako at nakafocus sa favorite kong waffles na may cheese sa loob. Busy ako sa pagkain ng biglang sumingit si Jazz at kinuha ang natitirang waffle sa plate ko.

Bigla ko tuloy siyang sinaksak ng tinidor sa kamay.

“ANG MORBID MO!!!!”- Jazz

“ANG TAKAW MO KASI!”- Ako

“PAHINGI LANG NAMAN EHH!”

Maya-maya tumunog ang doorbell.

“Ohh, ako na ang magbubukas” –Mama

Maya maya may isang empaktang pumasok sa pinto namin, si Mica at sa kamalas malasan, kinuha niya rin ang bago kong kuhang waffle na kakapalit ko lang sa waffle na kinuha ni Jazz sa akin.

-_- BUSET.

“Bakit hindi ka pa pumapasok?”

“Ehh, nagugutom pa kasi ako”-Mica

“Kaya pumunta ka dito para makikain, matindi ka rin ehh”-Ako

“Yan ang tunay na kaibigan makakasama mo sa pagkain”-Jazz

“Wag mo nang bigyan ng dahilan ang katakawan mo”- Ako

“Hindi mo lang tanggap! Papano may inaalagaan kang figure dahil nandiyan si RAniel! Hindi mo alam ang pakiramdam ng friendzoned!!!!!”-Jazz

Kidnapped Heart  (COMPLETE) *BOOK 1*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon