Chapter 56: INTRAMS? NAKAKAIN BA YUN?!

360 5 3
                                    

*Authors note:Unang una gusto kong humingi ng tawad sa bff ko na si Veronica (Nica) dahil sa ang name niya ang nagamit ko dun sa nakaraan. Wag ka mag alala friend lilibre kita ng stick-o minsan! labyu! :D.  Thank you po sa mga nagbabasa nito kahit na medyoboring siya at mabagal akong mag update. Salamat guys!!!!!! T_T*

(Remelyn's POV)

Nasa bahay lang ako, wala kaming prof ng 1st and 2nd subject dahil currently on leave siya. Kaya mamayang hapon pa ang pasok ko. Dapat enjoy diba? Dapat masaya? Pero ang buhay ko ganito lang, nakaharap sa T.V at nanonood ng DVD's.

Ang totoo niyan sobrang nalulungkot ako dahil sa pagkawala ni Veronica. Alam kong hindi naman siya namatay at O.A ang reaction ko pero nakakalungkot kasing mawalan ng kaibigan. Ayan yung bagay na hindi ka talaga makakapag move-on.

*Kring kring the telephone, kring kring*

Sino nanaman kaya ang nang aabala ng monologue ko?!

sinagot ko ang telephone.

"Hello?" - ako

"REMEEEELINNNNNN!!!"

Anak ng tipaklong, sinabi ko na nga ba. Si Jazz ang salarin ng lahat. Bakit ba kailangang sa araw-araw na lang na nagsesenti ako siya ang gumagambala sa buhay ko.

"ANO?! wag kang sumigaw Jazz! naririnig kita!"

"Sorry naman Rem, patawarin mo na ko oh. Naexcite lang ako!"

"Bakit? ano bang meron?!"

Nacurious ako. Alam kong excited si Jazz sa lahat ng bagay pero kakaiba talaga yung excitement niya dito e.

"REM, sumali ka ba sa intrams?!"

"Intrams?! nakakain ba yun?"

"Tange! nakita ko yung name mo sa mga list of official candidates for mr. and ms. intrams!"

"ANO?!"

"Ha? bakit hindi mo alam? ang akala ko nagvolunteer ka?"

Ang sarap naman talagang upakan ng pinsan ko. Sa mga nayolanda baka magvolunteer ako, sa pagpatay sa kaniya at pag salvage kay Mica baka magvolunteer ako. Pero sa pag sali sa Intrams? Never. Para kang nag aya ng Unggoy sa Quiz Bee. SABAW.

"Hindi ako nagvolunteer hoyyyy!"

"HA? eh pano nalagay dun yung pangalan mo?"

Kidnapped Heart  (COMPLETE) *BOOK 1*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon