CHAPTER 60: TWO HEARTS

271 1 2
                                    

(PAKIELAMERANG AUTHOR'S NOTE: Dahil po matagal akong nawala. Sana namiss niyo naman ako kahit konti. Kung hindi. . . (GANYAN NAMAN KAYO E) Gagawin ko po ang best ko para makapag update ng mabilis. Love you Guys. Let me know of what you think about the story. Thanks!)

REMELYN'S POV

        Naglalakad na kami ni Raniel papa layo sa venue ng birthday ni Mica. I'm keeping myself together. I don't wanna cry. Ayokong ipakita na mahina ako. And Maybe, he would tell me na misunderstanding yung nangyari kanina. Baka sakaling sabihin niya na friend niya lang yun at nasira ang phone niya kaya hindi siya nakapag text na nakabalik na siya dito sa Pilipinas.

        

        Gusto kong isipin lahat ng pwedeng magandang mangyari. Ayokong mag think negative sa mga oras na ganito. AFTER WHAT WE'VE BEEN THROUGH, this relationship is worth fighting for. Hindi ako kumapit para lang bumitaw agad.

     Ayun din naman yung iniisip niya, diba? Naniniwala ako. Naniniwala ako na yung Raniel na minahal ko noon at ngayon ay iisa. Pareho pa rin yung feelings namin hanggang ngayon. HINDI YUN MAGBABAGO.

        Naunang maglakad sa akin si Raniel. Sinusundan ko lang siya. Doon kami sa may dulong parte ng may garden pumunta.

        Naglakad lang ako ng naglakad ng hindi ko namalayan na huminto na pala siya sa paglalakad at tumama ako sa likod niya.

        Sa lakas ng impact, sumakit ng konti yung noo ko. Nalimutan kong nag-gigym na nga pala si Kidnap heart kaya matibay na ang likod niya ngayon. 

       Sinapo ko yung masakit na parte ng noo ko.

        Nang magsalita siya.

        "Rem..."

       "......."

      "IM SORRY"

     Nanginginig ako.

    "FOR WHAT?"

   "Sa nangyari kanina."

   "Alam ko naman na hindi totoo yun eh"

Kidnapped Heart  (COMPLETE) *BOOK 1*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon