Chapter 49: ANG DATE NI JAZZ

423 7 0
                                    

AUTHORS NOTE:

Itatry ko po na gawing mahaba itong chapter na ito. Sana po magustuhan ninyo.

(REMELYN'S POV)

Sabi nila ang pinakamahalagang araw raw para sa mag girlfriend at magboyfriend ay ang 1st anniversary nila. Ito yung pinakanakakakilig at pinakanakakatuwang araw sa buhay ng isang couple.

Syempre naglolook forward ako sa araw na ito. Bibihirang pagkakataon lang to sa buhay ko. First bofriend ko si Raniel at syempre first time kong ipagdaraos ang anniversary namin.

Siguro nagtataka kayo kung bakit puro anniversary ang pinag sasasabi ko sa inyo.

Simple lang. Malapit na kasi ang anniversary namin ni Raniel at Nakakatuwang isipin na 1st anniversary na namin.

Naaalala ko pa nung birthday ko before nung high school kami at sinurprise niya ako. Sobrang kilig talaga ako noon. Ikaw ba naman ang pagkaabalahan ng bongga ng boyfriend mo, ewan ko na lang kung hindi ka makikiliti sa kilig.

Siya nga pala, nakalimutan kong banggitin. College na ako, first year college to be exact. Nag aaral ako sa CMU (City of Malabon University. Accountancy ang course ko dahil yun naman talaga yung gusto ko since birth. May calculator nga akong hawak nung pinanganak ako ng mama ko eh. Kaya naman para sa akin ito na talaga ang bet ko.

Si Raniel naman na boyfriend for all season ko ay nag aaral ng Engineering sa UP Diliman. Sa totoo lang pinag awayan namin ang lahat. Kasi naman nakapasa rin ako sa UP Diliman. Kaso hindi ko feel mag aral sa UP. Pakiramdam ko kasi sobrang layo tsaka mas maganda kung magkakalayo naman kami kahit papaano. Para may silbi naman yung words na 'I MISS YOU'. Oh diba? Nalusutan ko pa yun ng romantic na quotes.

Sa totoo lang medyo nangangamba ako, malapit na ang anniversary namin pero may problema. Wala kaming masyadong communication ni Raniel nitong nakaraan. Sobrang busy kasi  tsaka isa pa, scholar kasi siya.

"REMELYN!!!!!!!!" palo sa akin ni Jazz.

Ito talagang si Jazz ano? Habang buhay na lang na tinik sa kili-kili ko. Hinarap ko siya agad.

Tinignan ko siya ng masama. SIya kasi eh, sinisira niya ang moment ko.

"Nabalitaan mo na ba?" tanong niya, sabay upo sa kama kung saan ako nakahiga.

"Hindi tingin mo kung alam ko na nakatanga pa ko dito?" sabi ko.

Tinignan ko siyang mabuti. Ewan ko ba pero nitong mga nakaraan my psychic powers talaga ako. Nahuhulaan ko ang mga bagay bagay. Pakiramdam ko pwede na akong magtayo ng stall sa labas ng bahay at maglabas ng banner at bolang kristal. Ganun kalakas ang psychic powers ko these days.

Pakiramdam ko may maganda talagang nangyari ehh.

"Si Lee naalala mo?" Tanong niya sa akin na para bang exicted na excited siya.

Ohh no, teka, si Lee? Yung lee na nanligaw sa kaniya first day of school pa lang? Teka, sa pagkakaalam ko, may fraternity yun at kilalang walang madudulot na maganda sa mundo.

"Teka, don't tell me, sinagot mo na siya?"

Kidnapped Heart  (COMPLETE) *BOOK 1*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon