Chapter Two

144K 3.4K 584
                                    

CHAPTER TWO

Seven months ago...

"ANG tagal naman ng photographer," angal ng manager niyang si Glaiza habang pinapaypayan ang sarili. Napasimangot ito at tumingin sa orasan. "Kaninang ten AM pa ang call time. Eleven na! So unprofessional."

"Malapit nang malusaw ang makeup ni Lav," segunda pa ni April habang pinapaypayan siya ng maigi—specifically ang makeup niya sa mukha.

"Are you still fine, Lav?" tanong pa ni Glaiza sa kanya. "I'll talk to the coordinator of this shoot. Grabe! Hindi pinaghihintay ang isang reyna!"

"Hayaan mo na. Baka na-traffic lang iyong photographer or may emergency munang pinuntahan," sabi ni Lavender habang nagbabasa ng magazine para hindi mainip.

"Nakikita na iyong pawis mo sa damit. We should change your outfit kapag nagsimula na ang photo shoot," sabi naman ni Melody na aligaga sa pag-aayos ng mga damit na sunud-sunod niyang gagamitin mamaya.

Nasa isang eco-park sila somewhere in south. Doon ang outdoor location nila ngayon. Nag-provide ang coordinators ng sarili niyang tent pero walang air conditioner kaya init na init ang mga kasama niya. At naapektuhan na pati ang mood ng mga ito dahil doon. Idagdag pang isang oras nang late ang photographer dapat ng photoshoot na iyon.

"Calm down, girls," aniya sa mga ito. "Buong araw naman 'tong shoot di'ba? Wala naman tayong gagawin after this kaya hindi natin kailangang magmadali or what," aniya habang nagpapalipat-lipat ng pages ng binabasang magazine.

"I just don't like that they are making you wait. First time ito. Nakalagay sa kontrata na dapat laging on time nagsisimula ang shoots mo," sabi ni Glaiza at saka umupo sa tabi niya.

"Tatanungin ko ulit ang coordinator kung ano na nangyari sa photographer nila. Atrasado na tayo masyado sa schedule," April said before leaving the tent.

"Kung hindi lang talaga maganda ang offer at theme ng magazine na 'to, hindi ko tatanggapin," parang stressed na sabi ni Glaiza habang hinihilot pa ang sentido.

"Let's just chill," she coolly said. Sa totoo lang ay nagpapasalamat pa nga siyang late ang photographer dahil tamad na tamad pa siyang kumilos.

Kumuha siya ng bagong magazine sa bag na dala ni Melody. Ito ang nagdadala ng mga bagay na puwede niyang paglibangan. Hindi kasi siya mahilig magkalikot ng cellphones. Mas gusto niyang nagtitingin-tingin ng pictures sa mga kung ano-anong magazine. That way, nakakakuha siya ng ideas sa mga poses at projections mula sa ibang models.

Nakakita siya ng magazine na may pamagat na Family Heirs.

"Glaiza, ito ba 'yung magazine na nag-o-offer din sa'tin?"

Tinignan ni Glaiza ang magazine. "Ah, oo. That's the magazine I'm telling you about. Nagpi-feature sila ng mga family or relatives na galing sa mga successful families. Pero ang kukuhanan lang nila ay ang latest generation. Pinag-iisipan ko pa kung kukunin natin iyan. Since I would be the one to manage you and your cousins kapag tinanggap natin iyan. Ang tanong papayag ba ang Monteverdes?"

Wala kasi siyang pinsan sa side ng Daddy niya dahil nag-iisa itong anak. Sa side ng Mommy niya, lima silang magpipinsan na coincidentally, lahat sila ay only child.

"Papayag naman siguro sila. I don't know about Reeve, though."

Si Reeve Monteverde ang eldest cousin nila. Nag-iisang lalaki rin ito sa henerasyon nila ngayon. Masyadong abala sa pagiging VP ng Monteverde Hotel. Ito kasi ang magtutuloy ng family legacy nila sa pagha-handle ng hotels.

Sassy Classy Brat (TOG #3) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon