CHAPTER NINE
"OH! YOU know my name! Of course you do." Pagak itong natawa. "Dapat alam mo kung sino ang legal na girlfriend ng inaahas mo. Para nga naman alam mo kung sino ang kalaban. You know, I have to commend you for trying to steal my boyfriend. Five months ka ring nagtiis na maging number two. So how does it feel, queen? Anong pakiramdam ng may nilalandi kang boyfriend ng iba?" pagkuwa'y dumapi ng malakas ang palad nito sa pisngi niya.
Mas malakas pa ang naging singhapan ng mga tao kaysa sa kanya. She clenched her fist. "Please, Alia, D-Don't make a scene."
Ngumisi ito. "Bakit? Nahihiya kang malaman nila kung ano ka? A fake? A fraud? Bakit hindi ka nahiya sa'kin na inakit-akit mo ang boyfriend ko?" Sinampal pa siya nito sa kabilang pisngi at tinulak siya. "Anong pakiramdam ng nakikihati? Anong pakiramdam ng nang-aagaw? Nag-e-enjoy ka ba? Na-satisfy ba iyang kalandian mo? Ha?! Whore!" galit na galit na sigaw nito.
Nagtagis ang mga bagang niya ngunit pinigilan niya ang sarili. "Alia, please. Huwag dit—" Napasinghap siya nang mas malakas siya nitong sampalin at saka siya tinulak.
Napatili siya nang mawalan siya ng balanse at lumagapak sa sahig.
"Hindi ikaw ang makakasira sa'min ni Reynald. Tandaan mo iyan! Hindi ikaw ang pipiliin niya. Matagal na kami at hindi niya isasakripisyo ang mga piangsamahan naming dahil sa kalandian mo! Pinagbigyan ka lang ni Reynald. Pero sa'kin pa rin ang balik niya," anito sa boses na matatag ngunit parang naiiyak na rin. "Damn you, Lavender! For trying to separate me and Reynald. Shame on you!" Binuhusan ulit siya nito ng tubig at binato ang pagkain sa kanya.
Napahikbi siya nang yumuko pa ito at hinila ang buhok niya. Doon pa lang nagsilapitan ang security at hinila si Alia palayo sa kanya. Ngunit ang higpit ng hawak nito sa buhok niya. Napahiyaw siya sa sakit. Pilit niyang tinatanggal ang kamay nito sa buhok niya. Ngunit nakatamo lang siya ng pagkalmot rito. Hindi siya makalaban dahil...guilty siya sa lahat ng paratang nito.
"Walanghiya ka! Ang daming ibang lalaki diyan? Bakit si Reynald pa?" umiiyak na sabi ni Alia habang gigil na gigil pa rin ito sa paghila ng buhok niya. "Bagay lang 'to sa'yo at kung makulong man ako dahil sa impluwensiya ng pamilya mo, wala akong pakialam! Basta nalaman mo kung sinong kinakabangga mo!"
Nakadalawang sampal pa ito sa kanya at sapok sa ulo nang bigla niyang narinig ang malakas nitong paghiyaw.
Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya si Sapphire na hinila sa buhok si Alia at binigyan ito ng mag-asawang sampal.
"Who the fuck are you?!" bulyaw rito ni Alia habang hawak ito ng security.
Si Sapphire rin ay pinipigilan na ng mga tao. But she mightily stood up and raised an eyebrow. "I'm a Monteverde and you're not." At saka nito sinampal ulit si Alia. "Wala kang karapatang saktan ang pinsan ko."
"Magkakaugali kayo! You're all fucking brats and bitches!"
Sapphire rolled her eyes. "Tell me something that I don't know."
"Take her out of here." Umalingawngaw ang buong-buong boses ni Reeve habang inuutos iyon.
Nagsisigaw si Alia at sinubukang abutin si Sapphire ngunit mabilis na itong nailabas ng security.
Nilapitan siya ni Reeve at pinatong nito ang coat sa kanya.
"I-I'm s-sorry..." Nagkaroon pa ng gulo sa hotel nito dahil sa kanila.
"Can you stand up?"
Naiyak na lang siya dahil parang hindi niya na kayang tumayo at maglakad pa dahil sa kahihiyan. Narinig ng lahat ng tao ang mga paratang ni Alia at hindi niya maipagtanggol ang sarili sa katotohanang iyon. Oo. Malaking malaki ang kasalanan niya kay Alia. At siguro karapatan din nitong saktan siya. She deserved it all.
BINABASA MO ANG
Sassy Classy Brat (TOG #3) - Published by PHR
RomanceAng pagpasok ba sa isang tago at bawal na relasyon ay kayang tumbasan ang lahat ng prinsipyong itinapon ni Lavender para lang kay Reynald? Is this the kind of love still deserving of a happy ending? Written ©️ 2014-2015 (Published 2018 by PHR) Boo...