CHAPTER THIRTEEN
ANG PINAKA-AYAW ni Lavender sa lahat ay 'yung tatanungin siya at hindi niya alam kung paano sasagutin.
"Who's Miggy?" ulit pa ni Reynald sa pinakanagtatakang tono.
Her heart raced. She knew this day would come but she's not yet ready. Lalo na at ininis siya nito kanina. Hindi niya pa rin kung anong sasabihin. Nagtagisan lang silang dalawa ng tingin hanggang sa parehas silang mapalingon sa may pintuan.
"Paano ba i-lock 'to?" problemadong tanong ni Johann sa sarili habang nakatingin sa doorknob.
Napakunot noo si Lavender nang makitang may mga susi itong hawak. "What are you doing?" tanong niya at saka nilagpasan si Reynald.
Nginitian siya ni Johann at bigla nitong sinara ang pinto!
"Hey!" Tinakbo niya ang pinto at pinilit buksan ang dorrknob.
"Ayun! Na-lock ko rin!" anito sa labas at saka matagumpay na tumawa. "Ang dami naman kasing arte ng pinto ng mga mayayaman."
Ilag beses niyang pinihit ang doorknob at pilit binuksan ang pinto. Lalong kinabahan si Lavender. "What the crap? Johann, open this door! Johann!" nagpa-panic na sigaw niya. Hinampas niya pa ang pinto ng paulit-ulit.
"Johann, buksan mo nga 'to," utos na rin ni Reynald na nasa likod niya na rin pala. Ito na ang pilit na ngabukas ng pinto.
"Pasensya na kayo. Kailangan ko lang gawin 'to. Hanggang alas tres ng madaling araw lang naman. Mag-usap kayo diyan, ah! Ayusin ang mga dapat ayusin para matiwasay ang buhay. Bye!"
"No! No! Johann!" tawag niya rito. She can't stay in a locked room with Reynald! No! This can't be happening. "Open this damn door or I'll kill you!"
Ngunit wala na siyang narinig mula sa labas. Umalis na nga si Johann!
Tuluyan nang nawalan ng poise si Lavender at napatili na lang sa sobrang inis. Hinarap niya si Reynald at tinulak ito. "Ano bang gusto niyong magpinsan? Bakit kailangang i-lock pa tayo rito? Are you that desperate to get into me?"
Nagsalubong ang kilay ni Reynald. "Hindi ko alam kung anong kalokohan 'tong ginawa ni Johann. Sinundo niya 'ko sa kuwarto. He told me that you wanted to talk with me. Kaya sumama ako dito."
"What?! I never said that! Lalo na ang sabihing gusto kitang makausap!"
Napakurap ito at napatingin sa pinto. "This is a set-up, I guess." Napabuntong-hininga ito. "Why didn't I think of that? Nagkakutob na 'ko kanina pa. Nakita ko si Charlie na hinahatid si Crystal Jane sa kuwarto na nakalaan kay Ramses. Nakita ko rin si Sapphire na kasama si Haley papunta sa kuwarto ni Kuya Gideon..."
Nasapo na lang ni Lavender ang noo. Oh. Now she knows who planned this.
Sapphire!
Bata pa lang sila ay gawain na ni Sapphire ang gaito sa kanilang magpipinsan. Minsan ay inaway ni Haley si Crystal Jane noong mga bata pa sila. Kinulong ni Sapphire ang dalawa sa isang kuwarto para makapag-usap at magkaayos. Nang sila naman ni Haley ang nag-away nang nasa college pa siya ay sila naman ang kinulong sa isang kuwarto. Sapphire kept on doing that because it was...well, effective. Dahil walang choice ang mga nakakulong sa kuwarto kundi mag-usap at magka-ayos.
Hindi pala si Johann ang mapapatay niya, kundi ang mismong pinsan niya!
Huminga siya ng malalim. Tinalikuran niya si Reynald at nagkulong siya sa loob ng banyo. Hanggang three AM lang pala. Alright. It's already ten PM. Limang oras pa. Kaya niyang magkulong sa banyo ng limang oras huwag lang sila magkausap ni Reynald.
BINABASA MO ANG
Sassy Classy Brat (TOG #3) - Published by PHR
RomanceAng pagpasok ba sa isang tago at bawal na relasyon ay kayang tumbasan ang lahat ng prinsipyong itinapon ni Lavender para lang kay Reynald? Is this the kind of love still deserving of a happy ending? Written ©️ 2014-2015 (Published 2018 by PHR) Boo...