Chapter Three

126K 3.2K 339
                                    

CHAPTER THREE

BIGLANG napatuwid ng tayo si Lavender.

G-Girlfriend? Did she hear it right? May girlfriend si Reynald?

Lavender stepped back. So, he's taken already? Paano na ang pangako niya sa sarili na magiging sila?

Reynald chuckled. "Alia is kind of..." Parang pilit na tumawa na naman ito bago napailing. "Basta. Ewan ko. But we're fine, I think."

Napakunot-noo si Lavender sa tono ni Reynald. He sounded like problematic with his relationship. Hmm...

"Falling apart na ba, pare?" biro ng kaibigan nito.

Reynald just laughed. "Mahal ko si Alia."

Nakagat ni Lavender ang ibabang labi. Tila kulang sa kumbiksyon ang narinig niya sa tono nito.

"Anyway, I still have one requirement to do," pagbabago ng topic ni Reynald. "I need a model. Kaso, wala naman akong kakilala. Iyong sanang hindi masyado malaki ang talent fee. I need to do a portfolio."

"Iyong pinsan mong babae? 'Di ba, siya ang muse mo?"

"Agatha's busy with her new course. At saka kapag gumagawa ako ng portfolio, siya na lang lagi ang pinapasa ko sa professors ko. Although, hindi naman ako nagsasawa, Agatha wants me to find a new muse."

"Iyong girlfriend mo."

"She's not into these kind of stuff."

"Hindi supportive? Hiwalayan mo na!"

Lavender liked that suggestion. Tumawa lang si Reynald at pabirong sinuntok sa sikmura ang kaibigan.

"Kailan mo ba kailangan?"

"Next month sana. Nag-iipon pa ako ng pambayad sa model na makukuha ko, kung sakali. Tatlong araw ang plano kong paggawa ng portfolio. Sa Siquijor sana. Plano kong gamitin ang mga beach doon para sa location."

"Susubukan kong makakita ng puwede. Magkano ba ang kaya mong ibayad?"

Sinabi ni Reynald ang budget nito. Napangiwi si Lavender. Even an amateur model won't accept that offer.

"Walang nagmo-model sa ganyang halaga, pare! Tatlong araw pa ang plano mong project. Mayaman ka naman. Huwag kang kuripot."

"Nahihiya akong humingi sa parents ko. Wala pa nga akong napapatunayan sa kanila."

"Graduate ka naman ng BS Biology. Diploma rin iyon."

"I know but I'm still not a doctor. Sige na, hanapan mo na 'ko."

"Taasan mo ng kaunti."

Napabuntong-hininga si Reynald. "I'll see what I can do."

Umatras si Lavender at saka bumalik sa loob ng tent kung saan tapos nang ligpitin ang mga gamit niya at ilalagay na sa van. Nilapitan niya si Glaiza.

"What's my sched for next month?" she asked her.

Napakunot-noo ito at inayos ang salamin sa mata. "Sa first week, may TVC ka for Bree's," tukoy nito sa isang top-quality cosmetic brand. "The rest of the month, bakasyon mo."

Napangiti siya. Reynald will have a model for his portfolio!

Kinabukasan ay inalam niya ang contact number ni Reynald mula sa kaibigan nito. Well, hindi siya ang eksaktong kumuha. She asked Melody to ask for it.

"Hello? Who's this?" bungad ni Reynald pagkasagot nito ng tawag.

"Hi, Reynald! It's Lavender."

Sandaling natahimik sa kabilang linya. Pagkuwa'y nagsalita ito. "Lavender? The queen? Of angles?" pabiro ang tono nito.

Sassy Classy Brat (TOG #3) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon