Chapter Fourteen

173K 3.6K 1K
                                    

CHAPTER FOURTEEN

TATLONG araw pa nag-stay sina Lavender at Reynald sa Singapore para makasama si Miggy. Nang paalis na sila ay mabuti na lang at hindi nagliligalig si Miggy. Her son was in his best mood.

Pagkalabas nila ng eroplano ni Reynald ay naunang bumaba si Lavender. She wore her aviators.

"Hatid na kita," presenta ni Reynald nang makuha na nila ang mga gamit.

"No, thanks. May susundo sa'kin," tanggi niya at saka napangiti nang mula sa malayo ay natanaw niya si Emil.

Napaaga ang tapos ng misyon nito dahil mabilis daw nahuli ang target.

Pagkalapit ni Emil ay hinalikan siya nito sa pisngi. She already told him everything that happened. Kaya hindi na ito nagtataka na kasama niya si Reynald.

Nagtanguan ang dalawang lalaki.

"Let's go?" aya niya kay Emil sabay kapit sa braso nito.

"Let's go." Kinuha nito ang gamit niya at saka na sila naglakad palayo.

Akala ni Lavender, nakaligtas na siya kay Reynald. Ngunit, sumunod pala ito sa kanila!

"Saan ang daan niyo? Pasabay naman."

Hinarap niya ito. "Akala ko ba may sarili kang kotse?"

"Tinatamad na 'ko mag-drive. Bukas ko na lang kukunin." Ngumiti ito ng matamis. "Pasabay lang kahit hanggang EDSA."

Kinunutan niya ito ng noo. Bumaling ito kay Emil. "Ayos lang ba, pare? Makaabala ba 'ko?"

"Medyo," diretsang sabi ni Emil.

Ngumisi si Reynald. "'Medyo' lang pala. Kaya ang hiya ko 'medyo' lang rin."

Wala nang nagawa si Lavender nang hanggang sa kotse ni Emil ay talagang sumunod si Reynald. Nauna pa itong sumakay sa harap!

"Bilisan natin. Baka ma-traffic tayo palabas ng airport."

At nag-demand pa!

Ito ang katabi ni Emil na nasa driver's seat. She has no choice but to sit at the back. Pigil ang inis niya kay Reynald. Ano bang ginagawa nito?

"Ikaw si Emil, di'ba? 'Reynald' nga pala," pakilala pa nito sa sarili nang palabas na sila ng airport.

"Hindi ako nagagalak na makilala ka," Emil flatly said.

Gustong matawa ni Lavender. Ano ka ngayon, Reynald?

But Reynald chuckled. "Sa tingin mo ba, nagagalak rin ako? I can relate to you, man. Sino bang natutuwang makakilala ng karibal?"

"Reynald!" saway niya rito.

Ngumisi si Emil at napailing. "I can throw you out of my car."

"But, you won't do that. You fight fair, kita naman sa'yo."

"So, this is war?"

Tumikhim si Lavender. "What are you talking about? Did I miss something?" nagtatakang tanong niya. Magkakasama lang naman sila sa loob ng kotse pero bakit biglang hindi niya na maintindihan ang dalawang lalaki.

Nilingon siya ni Reynald. "I'm going to fight for you."

Napakurap si Lavender. "What?"

Mula sa rearview mirror ay nagsalubong ang tingin nila ni Emil. "I won't give up on you."

Sassy Classy Brat (TOG #3) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon