Chapter Thirteen (Part 2)

138K 3.8K 519
                                    

MULA nang umalis sila ng bahay hanggang sa makarating sa isang pamosong family park sa Singapore ay tahimik lang si Lavender. Nakasunod lang siya kay Reynald na buhat-buhat si Miggy sa buong biyahe.

Kinakausap nito si Miggy. Kahit hindi pa masyado nakakapagsalita ang anak ay sumasagot naman ito kunwari. Tapos papatulan ni Reynald na parang naintindihan nito.

"Do you like it here, little boy? Do you love Singapore?" malambing na tanong ni Reynald kay Miggy.

"Nye-i-ba-ba-chip-shi-shi-shi-ba!" Miggy answered in his baby language.

Tumango naman si Reynald at natawa. "Talaga, baby? Very good! What more?"

"chip-chip-da-da-nyu-ba-ba-shu," Tinaas ni Miggy ang maliliit na kamay. "Wooosh!"

Tumango-tango si Reynald at mas lumapad ang ngiti. "Wooosh! Nyi-nyi-ba-ba-di."

Humagikgik si Miggy. "Nya-nya-nya-nya-nya! Woosh!"

"Woosh!" gaya ni Reynald.

Tumango si Miggy. "Woosh!"

Tumawa ang lalaki at sumulyap sa kanya. "Nagkakaintindihan kami. Nakaka-proud."

Kanina pa pinipigil ni Lavender ang pagngiti at pagtawa. She rolled her eyes. Napailing-iling lang siya at lumabi. Kanina pa mukhang tanga si Reynald sa pakikipag-baby-talk kay Miggy pero mukha namang nag-e-enjoy ito. Maging si Miggy. Parang dalawang alien na nagkita sa planet earth ang dalawa—tuwang tuwa.

Pinagtitinginan sila mula pa kanina sa Mass Rapid Transit o MRT na sinakyan mula Singapore City hanggang sa makarating sila sa Labrador Park. Patuloy pa rin sa pag-uusap ang mag-ama.

Maganda, malinis, at higit sa lahat ay pampamilya talaga ang napuntahan nilang family park. Maraming bata, matatanda, at mga pamilya ang nandoon. Tanaw kasi sa buong park ang panoramic view ng dagat. Doon niya madalas pinapasyal si Miggy kapag lumalabas sila.

They stayed on the green grass field. Umupo si Lavender sa damuhan na well-trimmed na damuhan na nasa ilalim ng malaking puno. Sinandal niya ang likod sa katawan ng puno at tumanaw sa dagat. Hindi lang ganoon kabuo ang view niya dahil may mga barandilyang nakaharang upang ma-separate ang dagat sa parke. May mangilan-ngilan pang naglalakad, nagba-bike, at nagro-rollerskates sa pathwalk.

Nakaupo rin sa damuhan sina Reynald at Miggy. Ang anak niya ay sinusundan ng tingin ang mga nagba-bike at tinuturo-turo iyon.

"Gusto mo niyon, Miggy?" narinig niyang tanong ni Reynald rito. "Tuturuan kita mag-bike when you grow up, alright?" Kinintilan nito ng halik sa noo si Miggy at saka nilabas ang camera nito. "Let's take pictures?"

Napatingin si Miggy sa camera at kumislap ang inosenteng mga mata nito. "Click! Click! Click!"

Sinundan lang ni Lavender ng tingin ang dalawa. Miggy was slowly walking, nakaalalay si Reynald at napunta ang mga ito sa pathwalk na walang masyadong naglalakad. Natutumba-tumba pa nang paupo si Miggy pero agad itong nasasalo ni Reynald. Kapag nakakatiyempo itong hindi tutumba si Miggy ay kinukuhanan nito ng litrato ang anak.

Miggy was laughing, babbling words, and smiling. Umupo ang anak sa damuhan, maya-maya ay tumatayo na ito at naglalakad pero matutumba ulit paupo. Pagkatapos ay maglalakad at matutumba ulit kapag malayo na ang nalakad.

"Reynald!" tawag pansin niya sa lalaking hinahayaan lang ang anak nilang matumba-tumba.

"Let him play!" anito habang natatawa sa ginagawa ni Miggy. Bawat kilos nito, kinukuhanan ni Reynald.

Sassy Classy Brat (TOG #3) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon