Finale

170K 4.1K 1.4K
                                    

FINALE

PINIGILAN ni Lavender ang mga ngiti nang umalingawngaw ang boses ni Reynald. Wow. He really thought na magpapakasal na nga siya?

At kaya nitong pigilin ang kasal kung totoo man na ikakasal siya?

Nakaupo lang siya sa dulo ng isang pew. Ang nakatayo sa altar na bride ay hindi naman siya. Pero ang groom, si Emil.

Nagsinghapan sa gulat ang mga guest na walang kaalam-alam sa nangyayari katulad ni Reynald. Aww... her poor Reynald. Nag-powertrip na naman ang mga pinsan nito. At nakisali pa siya.

"Anong ginagawa mo dito?" naiiritang tanong ni Emil paglingon nito.

"Pinipigilan ang kasal niyo, hindi ba halata? Mukha bang suportado pa 'ko sa inyo?" pamimilosopo ni Reynald. "Lavender, bakit ka magpapakasal? Akala ko ba, si God muna ang aatupagin natin? Bakit biglang ganito?"

Hindi lumingon ang bride.

"Babe, I love you! Very much so. Sabi ko sa'yo, ipaglalaban kita hanggang dulo. At kung ito man ang dulo, kakapit ako ng mahigpit dito. Lavender..." puno ng emosyon ang tinig ni Reynald.

"Umalis ka na, pare. Marami akong kaibigang NBI dito, baka mabaril ka nila."

"Mabaril na kung mabaril! Mamatay na kung mamatay! Basta masabi kong... mahal na mahal kita, Lavender. Pagbigyan mo 'kong patunayan pa na totoo ako. Kahit makipagsabayan pa rin ako kay Emil. Hindi na iyon ang mahalaga. Basta mapatunayan ko lang sa'yo na..."

Huminga ito nang malalim at lumamlam ang emosyon sa mga mata. "Mapatunayan ko lang sa'yo na hanggang sa huling tibok ng puso ko, ikaw lang ang isisigaw nito. Ay, hindi pala. Si Lord muna tapos ikaw na kasunod."

Napangiti si Lavender. Gusto niya nang tumayo at patigilin na si Reynald. Kaso kasi, si Ibarra...

Nagbulung-bulungan ang mga bisita.

"May sira yata sa ulo ang lalaking ito. Hindi naman si Lavender ang kinakasal, hindi ba? Sina Glaiza at Emil iyan, ah!"

"Babe, listen to me. I may not be the bravest man alive, I may not be the best decision maker ever, but I would be faithful to you by the rest of my life. I will be with you and with Miggy no matter what."

Humaplos sa puso ni Lavender ang bawat salita nito. Napapabuntong-hininga na lang siya sa kilig.

"We'll seek God together, we will be praying partners, we'll lift each other up when faith weakens, we'll be holding hands when struggles come..."

Dahan-dahang tumayo na si Lavender mula sa kinauupuan.

"I love you, babe. Huwag ka munang magpakasal sa iba. Habambuhay na iyan. Sige ka, magsisisi ka."

"Hey!" saway rito ni Emil.

That's when Glaiza laughed. Nilingon nito si Reynald.

"Nakakakilig ang mga sinabi mo. But...I'm not Lavender."

Natulala si Reynald.

Pigil ng mga tao ang tawanan.

Pumunta na siya sa gitna at hinila ang kamay nito. Doon ito napatigin sa kanya at nanlaki ang mga mata. "L-Lavender!"

Hinila niya ito palabas ng simbahan. "Sorry for the inconvenience!" Nilingon niya sina Emil at Glaiza. Sobrang saya ng puso niya para sa dalawang kaibigan.

"Best wishes! I love you both!" paalam niya sa mga ito. She flew them a kiss.

Tumikhim ang pastor. "Shall we continue. Wala na bang tututol?"

Sassy Classy Brat (TOG #3) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon