CHAPTER TWELVE
SA PATULOY na paglipas ng mga araw ay mas naging pursigido pa si Lavender na mapag-aralan mabuti ang magandang pagpapatakbo ng kompanya ng Daddy niya. Naging abala siya sa pag-attend ng mga business meetings kasama ang ama. Ngunit hindi hadlang iyon para mawalan siya ng oras sa anak na gabi-gabi ay nakakausap at nakikita niya through Skype or FaceTime.
Kahit gaano pa karami ang trabaho ay mas malaki pa rin ang oras na nilalaan niya para kay Miggy. Her son first, always.
"Lav, gusto mong magparticipate sa Manila Fashion Festival ngayong taon? Maraming fashion designers ang nire-request ka. Would you consider?" tanong ni Glaiza sa kanya mula sa kabilang linya.
Nilipat niya ang phone sa kabilang tainga. Kasalukuyan siyang nag-aayos ng mga dadalhin para sa pagpunta sa beach house ng mga Monteverde. Doon kasi magse-celebrate si Sapphire ng twenty-eighth birthday nito. "They still want me after my little brawl with Sapphire at the mall?"
Weeks ago ay kasama niya sina Haley, Crystal Jane, at Sapphire. Nag-"girls' bonding" silang magpipinsan katulad nang lagi nilang ginagawa. Nang nasa mall na sila ay nagkaroon silang apat ng diskusyon tungkol sa mga ex-boyfriends nila—which were the Andersons.
At ano pa bang aasahan nila kay Sapphire na masyadong matalim ang dila? Napikon siya sa pinsan. Since she was five years old and Sapphire's seven, lagi na lang silang nagsasabunutan. Kaya napaka-normal na reaksyon sa kanya ang hilahin ang buhok nito.
They just made a scene for the whole public to see! Kumalat ang balita ngunit sandali lang. It's the first time for the people to see Lavender acted like that.
Nakakahiya iyon. Pero tapos naman na. Kailangan lang talaga ay habaan niya pa ang pasensya niya kay Sapphire—ang kontrabida lagi sa pamilya nila.
Dalawang araw lang silang hindi nag-usap ni Sapphire. But after that, they said sorry to each other, eh di, bati na ulit silang dalawa.
Natawa si Glaiza mula sa kabilang linya. "Mas nagustuhan nga yata nila ang nakita nila sa'yo. Although that's not a good behavior and I won't promote that, still, nakita nila iyon bilang hindi pagkakaintindihan ng mag-pinsan. Families fight. They we're amazed sa pagiging palaban mo."
Napailing siya at natawa na lang rin. Kay Sapphire lang naman siya palaban dahil kahit anong display niya pa ng bad manners sa harap ni Sapphire ay wala itong pakialam. "Pag-iisipan ko ang tungkol sa fashion festival. I won't say no but I'll check my sched first. Give me a copy of my schedule as well kung tatanggapin natin. Baka mamaya, ma-occupy niyan ang malaking time ko. I don't want to miss my nightly video calls with my baby."
"I understand. Miggy's the first priority! Oh, by the way, nakausap mo na ang mga pinsan mo? Payag ba sila sa alok ng Family Heirs?"
"Yes. The girls are game for it. Kasalukuyang pinipilit ni Agatha si Reeve," aniya. "But more or less, we're going for that cover. Our parents are supportive as well."
"Good! Aasikasuhin ko na ang contract signing. Sa December pa naman kayo gustong i-feature ng magazine."
Oh. July pa lang naman. So, five months pa. "Alright. The interview questions, don't forget."
"Yes. Iyon agad ang una kong ire-request."
Nagpaalam na siya kay Glaiza at tinapos na ang pag-e-empake. Overnight lang naman ang pananatili nila roon. Bukas ng umagang-umaga ang alis nila nina Crystal Jane at Haley.
![](https://img.wattpad.com/cover/49430175-288-k21195.jpg)
BINABASA MO ANG
Sassy Classy Brat (TOG #3) - Published by PHR
RomanceAng pagpasok ba sa isang tago at bawal na relasyon ay kayang tumbasan ang lahat ng prinsipyong itinapon ni Lavender para lang kay Reynald? Is this the kind of love still deserving of a happy ending? Written ©️ 2014-2015 (Published 2018 by PHR) Boo...