CHAPTER ELEVEN
MAHIMBING na natutulog si Miggy sa ibabaw ng dibdib ni Lavender. Marahan niyang hinahaplos-haplos ang likod at bumbunan nito. Katatapos niya lang mag-breastfeeding sa anak. She showered her son with light kisses on the top of his head.
Oh...her bundle of joy got a lot heavier. Natatandaan niya na napakaliit pa nito noon at sobrang gaan lang. But still, she's thankful that Miggy is healthy and gaining weight.
Hindi katulad ng mga pinapanganak ng premature, her son has no diseases or any infection at all. Hindi niya alam paano nangyari iyon. But her mom would always say that God is good. Maybe He is. Because it was a miracle that Miggy is now breathing and bringing endless joy to her.
Nang maalimpungatan ito dahil sa pagpugpog niya ng halik rito ay humikab lang ito at mas sumubsob sa kanyang dibdib. She hugged him tighter. Susulitin niya na nahahawakan, nayayakap, at nahahalikan niya ito. Dahil bukas ay kailangan niya nang umuwi ng Pilipinas at next month na ulit siya makakabalik.
Hindi na nakatulog si Lavender at talagang pinanood niya lang ang anak habang natutulog ito. Hanggang sa kailangan niya nang umalis. Nauna nang umalis si Emil kahapon dahil kailangan na kailangan ito sa trabaho.
"I'll be back next month, baby..." Hinalikan niya ang anak sa bumbunan at saka niyakap nang mahigpit. Sa loob ng isang taon na ginagawa niya iyon ay hindi pa rin siya nasasanay na iniiwan ang anak niya.
"Take care, sweetheart," bilin ng Mommy niya. Hindi na siya ihahatid nito sa airport para hindi na hassle na isama pa si Miguel sa labas.
"I love you, Mommy!" Niyakap niya rin ito at saka pinasa si Miggy rito.
Miggy waved his hands and she waved back. "Mama! Mama!" paulit ulit na sabi nito habang kumakaway at nakangiti.
"I love you, baby Miggy!"
Paglabas niya ng bahay nila ay may taxi agad na nakaabang na maghahatid sa kanya sa airport.
Mabilis lang naman ang naging biyahe niya. By afternoon, she was back in the Philippines and spending time with her cousins. Nasa mansyon sila ng yumao nilang lola at nakatambay sa kuwarto ni Sapphire.
Tinutulungan nila ito sa paghahanap nito ng groom. Hanggang sa napagkasunduan nila na manghingi na rin ng tulong kay Reeve. Kaya kinabukasan ay pumunta si Sapphire sa pinsan nila.
"Reeve's willing to help me find a groom!" masayang sabi ni Sapphire habang kumikislap kislap pa ang mga mata nito. Kagagaling lang nito sa opisina ni Reeve.
Napangiti si Lavender. Siya na mismo ang nakaranas kung paanong handang tumulong si Reeve sa kanila. Close or not, they are still family.
Hanggang ngayon ay sarado ang bibig nito tungkol sa sikreto niyang pagbubuntis. Reeve visited Miggy once when he was in Singapore for a business summit. Kahit na asawa na nito si Agatha na pinsang malapit ni Reynald ay nanatiling tahimik si Reeve tungkol sa sikreto niya. Hindi ito nangingialam. He's really trustworthy.
That same week, Sapphire and Johann--Agatha's half brother, had a deal. Ang dalawa na ang magpapakasal. The next week, nagpakasal na agad ang dalawa.
"Nakakatuwa nga sila kahapon. Nag-aasaran sila habang kinakasal," pagkukuwento ni Lavender kay Emil pagkatapos ng kasal-kasalan nina Sapphire at Johann.
Binisita siya nito ngayong araw sa maliit na opisina niya. Katabi lang iyon nang opisina ng Daddy niya. As usual, she's reading, understanding, and signing a lot of papers.
Emil was sitting in front of her desk. "Oh, you're once connected with the Andersons."
Nagusot ang ilong niya. "Oo nga, eh," nasabi niya lang. Pero wala naman na siyang magagawa. Isa pa, mukhang best choice na si Johann para maging asawa ni Sapphire for a year hanggang sa makuha na ng pinsan nila ang buong mana nito.
BINABASA MO ANG
Sassy Classy Brat (TOG #3) - Published by PHR
RomanceAng pagpasok ba sa isang tago at bawal na relasyon ay kayang tumbasan ang lahat ng prinsipyong itinapon ni Lavender para lang kay Reynald? Is this the kind of love still deserving of a happy ending? Written ©️ 2014-2015 (Published 2018 by PHR) Boo...