Chapter Four

117K 3K 276
                                    

CHAPTER FOUR

NANG MAKITA ni Lavender ang reaksyon ni Reynald ay lihim siyang napangiti. His jaw dropped and his eyes can't stop looking at her body. Iyon mismo ang inaasahan niyang magiging reaksyon nito oras na makita siya nito.

Ngayon ang araw ng flight nila papuntang Dumaguete. From there, they'll go to Dumaguete Port to ride a fast craft going to Siquijor Island.

She wore an above-the-knee summer dress with thin shoulder straps and low neckline. Hapit sa kanya ang bestida hanggang baywang kaya mas nadepina ang mabilog niyang dibdib at baywang. Nagsuot siya ng makapal at malaking Sunnies para hindi siya masyadong makilala ng mga tao. Because that's her first time to show some more skin in public.

And she felt so free.

Habang papalapit siya ay napansin niya kung paanong suyurin ni Reynald ng tingin ang kabuuan niya. Huminto ang paningin nito sa dibdib niya.

Gustong matawa ni Lavender. Tama ang hinuha niya. Men are still men.

"Hi, Reynald!" magiliw na bati niya.

Mabilis nitong inangat ang tingin sa mukha niya at kumurap pa ito. "Lavender..." Tumikhim ito at nginitian siya. "You look...great."

Nababasa niya sa mga mata nito na iba ang gusto nitong sabihin. "Thank you. Hindi pa ba tinatawag ang flight natin?"

"Hindi pa naman." Reynald looked like he's trying to be cool.

"Sorry, I'm late. Natagalan ako sa pag-check-in ng baggage ko."

"It's alright. Hindi ka naman late. Masyado lang akong maaga." Napadapo na naman ang tingin nito sa dibdib niya ngunit pasimple nitong nilayo ang tingin at pumikit pa ito. "Ahm, may dala ka bang jacket o sweater o kahit anong pamatong? Malamig sa eroplano mamaya," concern na sabi nito.

She pouted. "Bakit ka nakapikit? May mali ba sa suot ko? You said, I look great?"

"You always look great, Lavender. But..." Idinilat na nito ang mga mata at napabuntong-hininga. Luminga-linga ito. "Mapapaaway tayo sa suot mo."

Inalis nito ang suot na jacket at saka pinasuot sa kanya. Pagkasuot niya ay agad na kumapit sa ilong niya ang mamahaling pabango nito. Hindi na siya umangal nang ito mismo ang nagsara ng zipper ng jacket. Natawa siya dahil umabot sa leeg niya ang zipper.

"Pupunta kasi tayo sa beach kaya nagsuot ako ng ganito. Ganito kasi usually ang mga sinusuot ko kapag nasa beach."

Bahagyang nanlaki ang mga mata nito. "M-Marami ka pang ganyan?"

"Yes!" she beamed. "Iyong ilan isusuot ko kapag inumpisahan na natin ang paggawa sa portfolio."

Nakita niya ang paggalaw ng adam's apple nito. Then that "desire" look passed his eyes again. Ang hirap sigurong magkaroon ng mga mata nang katulad kay Reynald. Walang emosyon na naitatago.

Or she's just good at reading him through his eyes?

Binaling ni Reynald ang atensyon sa ibang bagay habang naghihintay silang matawag ang flight nila. Hindi niya na hinubad ang jacket nito at pasimpleng sininghot-singhot na lang ang bango niyon.

Mabilis na napatayo si Reynald nang tawagin na ang flight nila. Parang ang uneasy na nito bigla. Lihim siyang napangiti nang matagumpay. She's getting the reaction she wanted from him. Sa lahat ng dala niyang damit, ang suot niya ang pinaka-"conservative" na.

"Let's go?" aya nito at pinauna siya nito sa pila.

Ngunit tinabihan niya ito at kumapit sa braso nito. "Alright, let's go!" she excitedly said like she does not know how uneasier he felt a while ago.

Sassy Classy Brat (TOG #3) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon