A/n: no prologue ^_^
Dear readers,
Hindi ko nalang nilagyan ng castings para malaya kayong mag-imagine ng gusto niyong cast para sa mga tauhan sa kwento. Hope you enjoy reading :)
———————————————————————————————————————————————————————————————————-
*Chapter 1
-Questions and a Smile
~~~Claire's POV~~~
"Kamusta kana Claire?" tanong ni travis sa akin.
Napakahina ng kanyang boses na tila ba binabagabag siya ng kanyang kaba. Pero bakit naman siya kakabahan?????
"Okay lang naman ako Travis."
Tama ba ang sinagot ko???? Sana dugtungan pa niya ang kanyang sinasabi.
"Diba nahilo ka kanina Claire???"
"haha wag lang yun Travis... Uminum na ako ng gamot. Okay na talaga."
"Ahh... Mabuti naman kung ganun.."
Natahimik kaming dalawa habang naglalakad kasama pa ang iba pa naming mga kaklase. Nahuhuli na kami ngunit parang gusto pa ng puso ko na mas humina pa ang takbo ng oras. Travis John Perez!! Bulong ba o sigaw ng isip ko.. Di ko na matukoy... Bakit ba ganun?? Gusto ko siya tanungin ng iba pa. Tila nauuhaw ako sa mga kasagutan. Wala na ba talaga? Wala na ba?
———————————————————————————————————————————————————————————————————-
~~~~Travis' POV~~~~
Iba si Claire sa mga babaeng nakilala ko. Hindi ko maipaliwanag ang lubos na kasiyahan at di masukat na kaba ang aking nadarama sa tuwing malapit siya sa akin. Hindi ko alam ba't ako nagkakaganito. Ewan simula't sapul pa nung una ko pa makita ay tila bang pinana na ako ni kupido. Siguro ito ang tinatawag nilang love at first sight. Kaso sa tuwing lalapitan ko siya ay parati akong pinangungunahan ng kaba kaya ipinagpapaliban ko nalang.
Torpe ka talaga Travis! Ang torpe-torpe mo!! Hanep ka sa paglapit lang di mo magawa?? Lapitan mo na kasi. Pinagpipilitan ko sa aking sarili umaasang maiibsan nito ang aking kaba at hiya.
Heto na naman siya kasama ko. Pagkakataon ko na 'to. Pero teka, ano ba ang sasabihin ko sa kanya? Matagal na niya akong kaklase at alam na niya ang lahat. Paano ko dudugtungan ang pangungumusta ko sa kanya? Baka magulat siya... Teka..teka ano ba talaga ang sasabihin ko sa kanya. Ahh.. oo yun nga! Wag nalang siguro.
Napatingin ako sa kanya... Hindi pa rin siya nagbabago. 'Chamber Claire Mendez.... hindi ka pa rin nagbabago. Pero hidi ba talaga pwede? Di ba talaga?' bulong ko sa sarili ko.
"Uhm Travis... hanggang dito nalang... salamat sa pagtulong smo sa group project natin. Dito nalang ako maghihintay ng sasakyan," sabi ni Claire sa akin.
"Ahh Claire samahan na kitang maghintay.. Yun ohh!" pinara ko yung jeep at pinasakay si Claire.
"Paalam Claire." Tanging nasabi ko nalang sa kanya at hindi ko akalain na ngingitian niya ako. Nagsimula nang umandar ang jeep na kanyang sinasakyan. Unti-unting itong lumayo hanngang sa hindi ko na makita si Claire. Hindi ko naman nasabi sa kanya. Sayang!
———————————————————————————————————————————————————————————————————
~~~~ Claire's POV~~~~
'Travis, uhm siguro ngang talagang wala na... Tuluyan na talagang naglaho ang pag-ibig niya sa akin... Siguro mas mabuti na kalimutan ko na siya' pinilit kong kinukumbinsi ang aking sarili. Hindi ko naman talaga masisisi si Travis kung tuluyan nang naglaho ang nadarama niya. May naging kasalanan rin naman ako. Ako ang may gawa ng lahat ng ito. Mabuti pa't hindi ko muna siya iisipin lumampas pa ang jeep na sinasakyan ko.
Pero wala na ba talaga? Bakit nasasaktan ako? Paano kaya niya nagagawang ngitian ako sa kabila ng lahat? Di ko maiwasang maingit sa mga kaklase ko na malapit sa kanya. Bakit kaya nagagawa niyang maging malapit sa mga kaklase ko pero pagdating sa akin ang layo-layo niya...?
~~~ TBC ~~~
BINABASA MO ANG
She Stole It Again
RomanceHe had outgrown his simple admiration for a girl in the same class named Claire. But as his feelings for her deepen, Travis also finds it hard to confess. With their Senior school year nearly ending and with people around prying with their unfinish...