Ikaw , Ako , o Sya

37 4 0
                                    


Title : Ikaw, Ako, o Siya


Siksikan naman sa MRT. Kelan ba hindi? Normal na yan. Abnormal ka kapag nag inarte ka pa.


Pumwesto sa pila na pang female only. Single e. So wag na tayong makijoin sa mga in realationship na grupo.


Huminto ang train. Unahan sa pagpasok. None sense ang pila. Ganun din pala ang ending. Dahil madiskarte ayun nakaupo rin.


Ayos na yung upo. Wala ng pake sa iba. Kinuha ang headset at cp. Soundtrip hanggang sa dulo. Routine na yan e.


Nung umaandar na napansin kong may buntis. Not exactly sa tapat ko. Nilingon ko yung mga katabi ko sa upuan. Nasa dulo ako e.


Yung iba tulog or nagtutulug tulugan.


May tamang kalikot ng cp habang nakaheadset.


Meron ding busy sa pagbabasa. Basta nagbabasa sya. Period.
Napaisip.


Ikaw : tsk,tsk, para paraan na lang yan. ( magtutulugtulugan )

Ako : ( busy sa pagbabasa habang nagsa sound trip )

Sya : pake ko! Tse! ( deadma )


Napapailing na tumayo.


"Misis, ikaw na lang umupo. Ako na lang ang tatayo. O sya. Nakakahiya naman sa kanila."


Ngumiti yung buntis. Natawa naman ang iba.


Ganun talaga buhay MRT commuter. Parte na yan. Nasa sayo na lang kung paano ka magdala.

One Shot Stories atbp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon