Title :
Tinimbang Ka Ngunit Kulang
Year 2100.
January 1
1:OO AMIsang oras bago ang nakatakdang araw ng paghuhukom.
Lahat ng tao ay nagtungo sa tabing dagat. Kung saan nakahilera ang mga submarine na sasakyan ng mga pwedeng maligtas sa darating na malawakang pagbaha. O yung tinawag na end of human kind.
Nahahati sa tatlong klase ang mga submarine.
Unang submarine ay para sa mga matatalinong tao. Mga scientist, mga mayayamang business tycoon, mga tinitingalang leader ng mga bansang mauunlad, mga propesyunal na may natatanging galing sa kani kanilang larangan.
Doon pumila si Pacifica Dalmacio. Isang anak mayaman. Mahusay at napakagaling na doctor.
"Next."
Sigaw ng namumuno sa pagsala sa mga nararapat na tao sa unang submarine.
"Hello! I'm Pacifica Dal --- "
"Sampa na."
"What?"
"Sabi ko sumampa ka na sa timbangan. Pakibilisan lang miss. Maraming nakapila."
Agad namang sumunod si Pacifica. Nag alarm ang timbangan.
"Kulang. Next."
"Excuse me?"
"Ang sabi ko kulang ka sa timbang para sa submarine na ito. Kaya hindi ka pwede dito. Next."
Gustuhin mang pumalag ni Pacifica pero wala na rin syang nagawa dahil nagsisigawan na ang mga tao sa likod na kasunod nya sa pila.
Sinubukan nya ang ikalawang submarine. Para ito sa mga simpleng tao. Mga simpleng manggagawa, mga simpleng tindera sa palengke, mga
simpleng basurero, mga simpleng karpintero. Basta simple."Next."
"I'm Pacifica Dalmacio."
"Miss hindi ko kailangan ng pangalan mo. Hala, sige sampa."
At muli na naman syang tumapak sa timbangan.
"Kulang. Next."
"Ha? Anong kulang?"
"Next!"
Wala na naman syang nagawa at muling bigo na umalis sa pila ng ikalawang submarine.
Isang submarine na lang ang pag asa nya. Ang ikatlo at huling submarine. Para sa mga mangmang.
"Ano ba yan? Napakatalino kong tao. Napakayaman. Tapos sa mga mangmang lang ako mapapabilang. Hay! Hayaan na nga. Importante makasakay ako sa submarine. Ang importante makaligtas ako."
Muli na naman syang pumila. Kahit pinagtitinginan sya ng ibang mga nakapila roon base sa itsura at tindig nyang pang mayaman.
"Next."
"Siguro naman pwede na ako rito."
"Malalaman natin yan. Sampa na."
Taas noo pa syang sumampa sa timbangan. "Over qualified na ako para sa timbangang ito. I'm sure pasok na ako rito." Bulong pa ni Pacifica.
"Kulang. Next."
"Teka nga. Wait lang. Hold it. Stop. Pwede paki explain anong kulang sa akin? Kanina pa ako na oOP e."
Nginitian sya ng tagapagsala.
"Puso. NEXT!!!"