"Ano? Tatanga ka na lang ba dyan? Sumayaw ka na. Naiinip na ako", sigaw ng may katabaang lalaki sa dalagitang nasa kanyang harapan.
Siya si Ramon, ang manager at may-ari ng club kung saan magtatrabaho si Magda, ang dalagitang sinisigawan nito na nasa maliit na entablado sa gitna ng VIP room.
Nanginginig na nagsimulang igalaw ni Magda ang kanyang katawan sa saliw ng malamyos na musika na pumapailanlang sa buong silid.
"Sayaw ba tawag mo d'yan? Para ka lang lasing e. Igiling mo." Muling sigaw ni Ramon.
Na lalong nagpadagdag sa pangingikig na nararamdaman ni Magda. Bukod sa sobrang panliliit sa sarili ay ang takot nya sa lalaking nakaupo sa harapang mesa malapit sa kinatatayuan niya.
Mabalasik ang anyo nito. May makakapal na kilay. Medyo pangong ilong. May kalakihang mga labi. Kung pagbabasehan ay ang pisikal nitong itsura mas nagmumukha iting bouncer ng club kaysa sa manager. Hilatsa pa lang ay di mo na pagkakatiwalaang gagawa ng mabuti.
Pero nagawa pa ring sundin ni Magda ang iniuutos ni Ramon sa kanya. Nagsimula niyang igiling ng marahan ang kaniyang bewang.
"G-ganito po ba?"
Napasapo sa noo niya si Ramon at marahan pang napamura.
"Hay naku naman! Wala kang pag-asa sa pagsasayaw. Teka! Magaling ka ba sa kama?"
"P-po?" Bakas sa mukha ng dalagita ang pagkalito.
"Bakit? Wag mong sabihing virgin ka pa? Ilang taon ka na ba?"
"D-dise sais po."
"At virgin ka pa?"
Tango lang ang naisagot ni Magda. Mapapansin ang pamumula ng mga pisngi nito.
Napahilamos naman ng mukha si Ramon.
"Putang ina! Siraulo talaga ang baklang kambing na yun. Menor de edad na nga, birhen pa. Gago talaga!" Galit na sabi nito at napatayo na mula sa pagkakaupo sa tapat ng entablado.
Ang tinutukoy nyang baklang kambing ay ang talent scout na syang naghahanap ng mga tulad ni Magda na pwedeng magtrabaho sa club.
"Hindi ka pwede rito. Madidisgrasya pa negosyo ko sayo e." Sabi nya kay Magda sabay talikod para umalis na ng kwartong iyon.
Ngunit bago pa man tuluyang maihakbang nito ang mga paa ay agad din syang napigilan ni Magda. Mabilis na nakalapit ito kay Ramon at hinawakan ng nanlalamig niyang mga kamay ang braso ng lalaki.
"Boss, kailangan ko po ng trabaho. Parang-awa nyo na po. Kahit ano po gagawin ko. Kahit magsayaw ng hubo't hubad. O kaya -- kahit sa kama. Gagawin ko po lahat nang gusto nyong ipagawa sa akin. Bigyan nyo lang po ako ng trabaho. Boss,nakikiusap po ako sa inyo." Buong pagsusumamong daing ng dalagita sa lalaki.
Agad namang iwinaksi ni Ramon ang mga kamay nitong nakakapit ng mahigpit sa mga braso nya. Nilingon nya ito upang sana'y sigawan at sabihing wala siyang magagawa pa rito. Subalit tumambad sa kanya ang luhaang maamong mukha ni Magda. Napatitig sya rito at napaisip na rin.
Isang malalim na buntong hininga ang kumawala mula kay Ramon.
"Sigurado ka ba? Kahit ano gagawin mo?"
"O-opo, Boss. Kahit ano. Kaya ko."
Muling tinignan ni Ramon ang halos hubad na katawan niagda sa kanyang harapan. Naka-bra at panty lamang ito. Maganda at sexy si Magda. Morena ang kulay ng kanyang makinis na balat. At sa edad na dise sais ay lutang na lutang na ang mahubog nitong katawan. Maumbok na rin ang dibdib nito. Ni hindi nga niya napaghinalaang menor de edad ito dahil sa pangangatawan meron ang dalagita.
"Hmmm! Bueno. Magbihis ka. Dadalhin kita sa magiging trabaho mo."
Sa sobrang tuwa ni Magda ay agad itong napayakap kay Ramon. Mababakas ang pagliwanag ng mukha nito na kani-kanina lang ay nanlulumo. Ngayon ay tila nabuhayan ito ng loob at nabigyan ng bagong pag-asa.
"Maraming maraming salamat Boss."
"Oo na. Wag ka nang yumakap at baka di ka na makalabas ng virgin dito."himig biro ni Ramon.
Peri tila nahintakutan naman si Magda na mabilis na bumitaw ng yakap at lumayo sa lalaki.
Nang makapagbihis si Magda ay umalis din sila agad. Nagbilin lang si Ramon saga tauhan sa club na babalik din sya agad.
Sakay ng owner type jeep na pag-aari ng lalaki ay dinala niya si Magda sa isang tila bodega. Sinalubong sila ng ilang mga kabataang babae na halos kaedaran lang ni Magda. Ang ilan pa nga ata ay mas bata pa sa kanya.
"Manong Ramon!" Halos sabay sabay na bati ng mga ito nang makababa na sila ng sasakyan.
"Aba't anong ginagawa nyo rito sa labas? Paano yung trabaho nyo sa loob?"
"Hay naku naman Ramon. Hindi ka na nasanay sa mga batang iyan. Kapag natunugan nilang paparating ka e nagkukumahog na ang mga iyan para tapusin ang mga gawain nila."natatawang komento ng isang may edad na babae na kasama ng mga dalagita mula sa bodega. Napatingin ito kay Magda.
"Mukhang may bago ka na namang ampon, ha Ramon."
Kakamot-kamot ulong ngumiti lang ang lalaki. Hinarap ni Ramon si Magda.
"O paano, iwan na kita rito sa bago mong trabaho. Si Manang Leticia na ang bahala sayo."
Muli tanging tango lang ang naisagot dito ni Magda. Nagpaalam na rin agad si Ramon na babalik na sa club.
Napag alaman ni Magda mula kay Manang Leticia na nakatatandang kapatid ni Ramon na ang bodegang iyon ay parahian ng mga RTW na ibinebenta sa divisoria. Pag-aari rin ng lalaki ang nasabing patahian at ang mga mananahi roon ay mga menor de edad na GRO na napapadpad sa club ni Ramon.
"Kesa naman daw mapariwara yung mga batang katulad mo e dito na lang sila dinadala ng kapatid ko. Parang charity. Ganun."