My Robot , My Lover

13 2 0
                                    

Title : My Robot , My Lover

"Hoy, Amaya, nandyan na sundo mo." bulong ng kawork ko na si Bella.

Napalingon ako sa entrance ng lobby ng hotel kung saan ako nagtatrabaho bilang receptionist.

"Grabe ka girl, ang gwapo talaga ng boyfriend mo. Saan mo ba talaga sya napulot? Pupuntahan ko baka may mapulot din ako na kasing gwapo nya o higit pa." bulong naman ni Sam na kasama ko rin sa trabaho.

"Sama ako sayo dyan Samuel. Makikihanap na rin ako."

At nag apir pa ang dalawa. Napapailing na lang ako na natatawa.

"Sige, push nyo yan..Mauna na ako sa inyo. Bye girls."

Hindi ko na hinintay ang reklamo nila. Agad na rin akong lumabas ng information desk para puntahan ang "boyfriend" ko.

Nang makita nya ako ay automatic na ngumiti sya sa akin.

Encoded data # 1 : ngingiti ka lang kapag kasama mo ako.

"Ang aga mo ata Galen?" tanong ko nang makalapit na ako sa kany

Biglang nawala ang ngiti nito na napahinto pa sa pag abotvng mga dala ko at tumingin sa wrist watch nya.

"Impunto alas singko. Sakto lang ako sa oras ng uwi mo." sagot nya. Bago kinuha ang hand bag na dala ko.

Encoded data # 2 : dumating sa tamang oras.

"Sabi ko nga e."

"So saan mo gustong pumunta?"

Encoded data # 3 : ako ang masusunod.

"Gusto ko nang umuwi at magpahinga. Masyadong maraming guests ang hotel ngayon dahil holiday season. Kaya napagod talaga ako sa trabaho."

"Ok. Sabi mo e."

Iginiya na nya ako sa kotseng dala nya. Ipinagbukas ako ng pinto at inalalayan sa pagupo.

Encoded data # 4 : be a gentleman.

Tahimik lang kami sa byahe pauwi sa condo unit na tinutuluyan ko. Halos di ko na namalayang nakatulog na pala ako. Sobrang taffic ba naman e.

Naramdaman ko na lang na may mga bisig na bumubuhat sa akin. Hindi ko na rin nagawang magmulat ng mata para tignan sya. Sobrang antok at pagod na talaga ako.

Encoded data # 5 : be sweet and caring

Nakarating kami ng condo. Basta ang alam ko tulog ako pero parang gising na gising pa rin ang diwa ko. Diniretso nya ako sa kwarto. Marahang inilapag sa kama. Inalis ang suot kong sapatos.

And he started undressing me.

"Papalitan na kita ng damit para makatulog ka ng maayos. Masyadong hapit yang uniform mo sa trabaho. Hindi komportable para sayo."

Sabi pa nya habang isa-isa na nyang tinatanggal ang mga butones ng suot kong blouse.

Encoded data # 6 : be thoughtful

Napahawak ako sa mga kamay nya dahilan para matigilan sya.

Unti-unti akong nagdilat ng mga mata. Nagkasalubong ang mga tingin namin. Matagal. Tapos nun bumaba sa mga labi nya ang tingin ko. Inabot ko iyon gamit ang isa ko pang kamay.

My fingertips touch his lips lightly. Tracing it. Wanting it.

Kusang napunta sa batok nya ang kamay ko mula sa mga labing iyon.

Pulling him closer to me.

"I want you Galen." bulong ko pa.
His face was just an inch away from mine.

Pero nanatili lang sya nang ganun. Nakangiting nakatitig lang sa akin. Hindi nya ako hinalikan.

Tuluyan nang kumawala ang mga luhang kanina pa gustong bumagsak mula sa aking mga mata.

He is just a humanoid. A robotic clone of my boyfriend Galen that died a year ago.

This is year 3016, artificial intelligence era.

One Shot Stories atbp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon