Don't Touch Her

12 2 0
                                    


"Tang ina naman , Ruth. Ang simple lang naman ng pinapagawa ko. Bakit di mo nagawa?"

"E kasi naman hon, ang dami kong tinapos na homework ko kagabi. Nawalan na ako ng oras na ---"

"Ah ganun. Inuna mo pa yan kesa sa pinapagawa ko? So pano na ngayon yan? Ako ngayon ang walang assignment mamaya sa klase ko."

"Wag kang mag-alala. G-gagawan ko ng paraan. Ihahatid ko mamaya sa room mo bago mag start ang klase mo."

"Aba dapat lang. Gawan mo ng paraan yan. Hihintayin ko."

Sabay nun ay tinalikuran na nung mayabang na lalaki yung cute na babae. Mukha ngang iiyak na anumang oras yung babae.

Tss.

Lagi naman eh.

Yan lagi ang eksena nila dito sa roof top. At hindi ako tsismoso. Nagkataon lang na dito ang tambayan ko after lunch or kung walang klase. At dito rin pala ang secret meeting place ni ms. Student Council president at ng hambog na team captain ng basketball team ng university.

Ang cliché di ba.

Pero wag ka. Sa harap ng buong campus perfect couple sila. Pero dito sa roof top.

The worst lovers ang peg nila.

Nakarinig na ako nang mga mahihinang paghikbi. Halatang pinipigil nya na humagulgol ng iyak.

Na naman.

Lagi naman syang ganyan. Ilang beses na rin akong natetempt na lapitan sya. To comfort her.

Kaso...

"Why am i doing this to my self? Why do i love a guy like him?"

Yan. Yan ang problema. Inlababo si ms. SC president sa gagong team captain na yun.

Nakaka tang ina di ba???

Bahagya akong bumangon sa pagkakahiga at sinilip sya sa ibaba. Ang pwesto ko nga pala ay dito sa ibabaw ng tangke. Kaya hindi nila ako makikita o mapapansin man lang.

Nakita kong nagpapahid na sya ng mga luha nya sa mata. Inayos ang kanyang sarili at ngumiti.

And that is the cutest smile i've ever seen in entire universe.

Arrgghhh!

Oo na.

I'm inlove with her.


But she's inlove with him.

End of the story.


Nang makaalis na sya ng roof top narinig ko na ang bell. Ibig sabihin tapos na ang lunch break.

Balik na naman sa klase.

Sa boring na klase.


Nairaos ko naman hanggang uwian. Bumalik ako sa roof top. Just wanna take a short nap before going home.


Nung nasa kalaliman na ako nang pagtulog naalimpungatan ako sa tunog nang pabalabag na pagbukas ng pinto.

Puta!

Sinong umistorbo ng ---

"Aray! Bitawan mo ko , Spencer. Nasasaktan na ako."

"Talagang masasaktan ka. Kulang pa yan sa pagkapahiya ko kanina sa klase namin "

"Sorry na nga e. Ilang beses na akong nagso-- "

Halos magdilim ang paningin ko sa nakita.

Sinampal ng baklang yun ang babaeng mahal ko.

"Sorry? Yun lang ang masasabi mo? How about my ego? Damage has been done. Wala nang magagawa ang pesteng sorry mo."

Nagpipigil na lang talaga ako ng galit. Konti na lang.

"Why?"

"At may gana ka pang magtanong ng bakit?"

She's crying. Nakayuko syang nakatakip ng mga kamay ang magandang mukha nyang luhaan.



Parang natauhan naman yung gago. Palapit sya kay Ruth nang tumalon na ako mula sa pwesto ko sa tangke. Agad na lumapit sa tabi ng kaawa-awang babaeng mahal ko.



Hinila ko si Ruth palapit sa akin. Tulala pa rin sya na wala sa sarili na umiiyak.


"Hoy, gago ka ah. Sino ka ba? Bitawan mo nga ang girlfriend ko."


Hindi ko sya pinansin. Tinakpan ko ng isa kong kamay ang mga luhaang mata ni Ruth at marahang nagtanong.


"Ms. President, i wanna ask you a question?" Ibinalik ko ang tingin kay Spencer "Boyfriend mo ba ang lalaking ito na nanakit sa damdamin mo? And worst, hurt you physically?"


Tinakpan ko ang mga mata nya nang sa gayon hindi nya makita ang mukha ni Spencer na magpapaalala ng rason kung bakit nya mahal ang lalaking ito. Ang tanging maiisip nya lang sa mga sandaling ito ay ang sagot sa tanong ko ngayon mismo.

Nakita kong nag-smirk pa ang gago. Na parang siguradong-sigurado sya sa isasagot ni Ruth.


Na "oo" ang isasagot nito.

Pero ako hinanda ko na ang sarili ko sa kung anumang isasagot ni Ruth.

Kung oo.

Bibitawan ko sya at iiwan sila na parang walang nangyari.


At kung hindi naman ang magiging sagot nya... bahala na si batman.

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito.

Wala nang atrasan to.

"No. He is not my boyfriend."

Nagulat ako sa sagot ni Ruth. Pero mas nagulat ni Spencer. Napanganga pa nga e.


"Honey ---" usal ng gago. At akmang hahawakan si Ruth pero agad ko syang pinigilan.

"Don't touch her."


Nabuhayan ako ng loob. Papalag pa sana si Spencer pero nang makita nya ang fraternity ring sa daliri ko.. ayun walang salitang umalis na namumutla sa takot.







One Shot Stories atbp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon