Title : Friday The 13th
"Ang malas talaga ng araw na
ito."Napalingon ako sa katabi ko sa jeep. Isang may edad na lalake na nakabarong. May kausap sya sa cellphone.
"Oo nga alam ko. Friday the 13th ngayon kaya ayun, minalas ako at nasiraan ng kotse. Malelate ako ngayon. Pakisabi kay boss."
Grabe naman. Nasiraan lang ng kotse sinisi agad sa araw na ito.
Naiiling kong sambit sa isip.
Bakit sila ganyan? Isinusumpa nila ang friday the 13th. Tapos lahat ng kamalasan na maeexperience nila today e connected sa date. Hindi ba halos araw araw naman may mga masasama o panget na mga pangyayari sa buhay ng tao. Maliit man o malaki.
Nagkakaissue lang kung natapat ng friday the 13th. Palusot dot com ng mga gumagawa ng kabulastugan tulad ng panloloko.
Tulad ng matandang katabi ko ngayon. Kilala ko sya. Kapitbahay namin. At madalas talaga syang masiraan ng kotse.
"North cemetery. May bababa?"
Narinig kong tanong ng driver. Hala! Di ko tuloy napansin na malapit na ako sa destinasyon ko.
"Meron po manong."
Agad kong sagot. Nagmenor naman ang mamang driver at inihinto ang jeep sa tabi. Inayos ko ang dala kong bulaklak at konting prutas bago tuluyang bumaba.
Sabi ng daddy ko ang araw na ganito ay nagpapaalala sa kanya ng pinakamaswerteng araw para sa kanila ng mommy.
Narating ko ang puntod na pakay ko sa sementeryong iyon. Agad kong nilapag ang bulaklak at prutas na dala ko at nagtirik na rin ng kandila.
"Oy, Frida. Nariyan ka na pala."
Masayang bati sakin ng supulturero na nag aalaga sa nitso na binisita ko ngayon.
"Kararating ko lang din ho."
"Di ka talaga nakakalimot dalawin ang mommy mo ah. Tapos ko na rin linisan iyan."
"Salamat po."
"O pano, maiwan na kita rito."
Tango lang ang sinagot ko sa kanya bilang pamamaalam.
Muli nya akong tinawag na tila may naalalang sabihin.
"Happy birthday nga pala sayo, Frida."
Oo. A trese ang araw ng kapanganakan ko. Friday the 13th din nung panahong iyon. Yun din ang araw na namatay ang mommy dahil sa panganganak sa akin.
Pero tulad nga ng sinabi ni mommy kay daddy bago sya mawalan ng hininga at yakap yakap ako, on quote :
"This is the luckiest day of my entire life."