February The 14th

3 2 0
                                    

"Boss bili ka na ng bulaklak. Mura lang." Alok sakin ng isang binatilyo habang naglalakad ako dito sa tabing dagat ng manila bay.

"O sige. Tatlong pulang rosas."

"Naku, tiyak kong mapapa- 'i love you too' si ma'am na pagbibigyan mo nito."

"Siyanga?"

"Oo naman boss. Hindi bola yun. Ito talaga best seller ko pag ganitong araw. Three red roses."

Pinagmasdan ko ang mga pulang rosas at napangiti ako. Magugustuhan nga nya ito. Paborito nya ang bulaklak na ito.

Pagkatapos kong bayaran ang binatilyo ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Habang tanaw ang papasikat na haring araw.

"Kuya, bili na po kayo ng tsokolate. Homemade po ito." Maya-maya'y alok naman sa akin ng isang batang babae.

"Homemade? Ikaw ba gumawa nyan?" Sabi ko na nakatingin sa hawak nitong pulang kahon na pinaglalagyan ng mga tsokolate. Habang nakasukbit ang isang malaking plastik bag sa mga balikat nito na pinaglalagyan ng mga naturang kahon.

"Nanay ko po ang may gawa nito. Masarap po ito kuya. Magugustuhan po ng mahal nyo." Inosenteng bulalas ng bata na todo ang ngiti sa akin.

Paborito nga nya ang chocolate. Magugustuhan nya rin yan. Bumili ako ng isang kahon nito at nagtuloy na sa paglalakad.

Mga ilang minuto rin ang lumipas nang may isang magarang sasakyan ang huminto sa gilid ng kalsada na nilalakaran ko. Napatingin ako sa wrist watch na nasa braso ko.

Oras na pala.

Hindi ko namalayan. Nalibang ako sa pag-lalakad dito sa tabing dagat. Habang sinasariwa ang mga alaala ng nakaraan.

Isang unipormadong lalaki ang nagbukas ng pintuan ng kotse para sa akin. Agad din naman akong sumakay doon.

"Boss, sa dati po ba?" Maingat na tanong sakin ng driver na sinagot ko lamang mg isang tango.

February 14.

Valentine's Day.

Araw ng mga puso. Araw ng mga nagmamahalan.

Pero para sakin.

Ito ang pinakamasamang araw sa loob ng isang taon. Kung meron mang biernes atrese, ito ang araw na katumbas niyon. Pebrero katorse.

"Boss, nandito na tayo."

"Salamat, Pedring. Dating gawi. Sunduin nyo na lamang ako bago lumubog ang araw."

"Yes, Boss."

Muli akong pinagbuksan ng pintuan at mabigat ang mga paang bumaba ng sasakyan.

Nakakailang hakbang na ako nang lapitan ako ni Pedring.

"Boss, nakalimutan nyo. Baka magtampo si ma'am." Nakangiting himig biro sa akin nito.

Napatingin ako sa mga hawak ni Pedring. Ang tatlong pulang rosas at isang kahon ng tsokolate. Inabot ko iyon at napangiti.

Sorry mahal. Nakalimutan ko. Mga paborito mo tuwing ganitong araw.

Bulong ko sa isip.

"Salamat, Pedring."

Muli na akong naglakad patungo sa aking paroroonan. Sa lugar kung nasaan ang aking mahal.

February 14.

Valentine's Day.

Araw ng mga puso. Araw ng mga nagmamahalan.

At ang mismong araw nang kamatayan ng nag-iisang babaeng minahal ko.



One Shot Stories atbp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon