He Is Back

21 2 0
                                    

Title : He Is Back

Hapon nun, alas sais impunto yun tanda ko. Mag isa lang ako sa kwarto. Nagkukulong. Masama ang loob. Umiiyak. Daig ko pa pinagsakluban ng langit at lupa.



Bakit?


Una nagbreak kami ng boyfriend ko. Pangalawa nag aaway na naman ang parents ko. At pangatlo nangibang bansa ang bestfriend ko.



In short, ako na ata ang pinakasawimpalad na tao sa buong mundo ng mga oras na iyon.


Nakatunghay ako sa bintana namin kung saan tanaw ang isang puno ng kamansi na malagong malago at hitik na hitik sa bunga.



Nagsisimula na akong magtanong sa langit kung bakit ganito? Kung bakit ganyan?



Nang biglang may parang nagsalita sa isip ko.




"Bakit ka umiiyak?"




At infairness, sinagot ko sya.



"Dahil pinabayaan ako ng langit."



"Kung ganun sumama ka na lang sa akin. Dadalhin kita sa lugar na hinding hindi ka iiyak."



Dun na ako biglang natauhan.




"Sino ka?"




"Isa akong kaibigan. Halika sumama ka na sa akin."




Nang mapalingon ako sa may pinto ng kwarto nakita ko ang isang itim na nilalang na may hawak na tinidor na malaki. Ganun ko sya ikinuwento sa lola ko nung magsisigaw na ako at agad nya akong pinasok sa kwarto ko.





Nagpatawag ang lola ko ng albularyo. Ang kwento nya mukha daw akong sinasapian. Nanlilisik ang mga mata. Nagmumura at galit na galit na nakatingin sa tapat ng pinto gayong wala namang kung sino o ano ang nandoon.





Pero ang totoo. Meron akong nakikita na hindi nila nakikita. Yung itim na lalaki na may malaking tinidor na hawak na katulad ng kay satanas. Pilit nya akong isinasama sa kanya kaya galit na galit akong pinagmumura sya at pinapaalis.



Awa ng diyos napagaling ako ng albuaryong gumamot sa akin. Nawala na ang itim na nilalang. Hindi na sya ulit nagpakita pa.




Lumipas ang mga taon. Nagkaroon na ako ng sarili kong pamilya. Mabait na asawa at mga anak.




Ngunit isang araw nagkasakit ang panganay na anak kong babae. Nilalagnat sya nun. Natutulog sya sa kwarto nya at ako naman ay nasa sala. Nang bigla syang lumabas at lumapit sa akin.





May mga sinasabi sya na di ko maintindihan. At itinuturo ang labas ng bahay.



"Anak, naalimpungatan ka ba?"



Tapos nun nag iiyak na sya. Nataranta na ako at dinala sya sa doctor para macheck up.




Normal naman lahat ng medical test nya. Niresetahan lang sya ng gamot sa lagnat. Kaya panatag na ang loob ko nang umuwi kami ng bahay.




Pero naulit ulit yung nangyari na tila naalimpungatan sya at nagsalita na naman nang hindi ko maintindihan.



"Ano bang nangyayari sayo?"

"Nandyan na sya mommy."




"Sino?"


"Ang kulit kulit nya e."




Nagsimula na naman syang umiyak. May pilit inaalala ang isip ko na halos kahawig ng mga ikinikilos nya. Kinabahan na ako kaya nagpatawag na kami ng albularyo.





At ito ang sinabi ng matandang manggagamot na tumingin sa panganay ko.




"May isang lamang lupang itim ang nagbabalik mula sa iyong nakaraan. At ngayon ang gusto naman nyang makuha ay ang anak mo."




Kinabukasan hindi na nagising ang anak kong panganay.

One Shot Stories atbp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon