OUTCAST

16 2 0
                                    

#oneshot

Title : Outcast

She's a nobody.

An outcast. Wala s'yang mga kaibigan. Kakilala, oo. Pero hanggang dun lang yun. Walang nakikipaglapit sa kanya kasi ang weird daw nya.

"Ayan na naman si Sab. Nasa sulok ng canteen. Nag-iisa. Nakikipag one on one na naman sa laptop nya."

"Pwede ba. Tantanan nyo na si Sabrina. Wala namang ginagawa sa inyo yung tao."

"Exactly. Wala syang ginagawa. Ang creepy nya lang kaya."

"Manahimik na lang kayo at kumain, pwede."

Karaniwan na rin ang maging tampulan sya ng tsismisan ng mga kaklase at kaeskwela. Mga kabataang walang magawa kundi ang pag-usapan ang iba.

At nakasanayan na rin iyon ni Sabrina. Wala na rin syang pakialam sa mga sinasabi nila. Para sa kanya kasi hindi ito ang mundo nya. Hindi nya pag-aaksayahan ng panahon ang mga tulad nila.

Para sa kanya, sila ang outcast at hindi sya.

"Waaaaahhh! OMG! OMG!"

"Ano ba? Makatili ka naman wagas- - wait, don't tell me.."

"Yes,sister."

At sabay-sabay silang nagtiliian. Kanya-kanyang kuha ng mga cellphone. At nagbukas ng mga wattpad account nila.

Siyang pagtayo naman ni Sab mula sa pagkakaupo. Isinara na nito ang laptop at ibinalik sa lalagyan nito.

Habang naglalakad sya sa gitna ng canteen walang tigil na sa pagtunog ang notification tone ng cp nya.

"Ang daya, first comment ka?"

"Sorry ka na lang. Mas mabilis ako sayo."

"Hindi mo pa nga nababasa yung update. Madaya ka."

Hanggang sa makalabas ng canteen si Sabrina ay rinig nya pa rin ang tilian ng mga kaeskwela.

"Guys! Nag-update na si black diamond."

Sigaw pa ng isa.

Napangiti na lang si Sab. Iiling-iling na naglakad papalayo ng canteen.

Siya si Sabrina Zeltran. Ang tao sa likod ng sikat at kilalang author sa wattpad ngayon. Ang nagmamay-ari ng username na #blackdiamond.

One Shot Stories atbp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon