BANAT

11 2 0
                                    

Title : BANAT

Matagal na kaming magbestfriend ni Romina. Since birth ata. Kasi bukod sa magkapitbahay kami e malapit din ang mga pamilya namin sa isa't isa. One big happy family ,ika nga.



"Bayad po."




Napatingin ako sa aleng nag aabot ng bayad. Inabot ko iyon sa driver ng jeep na sinasakyan namin ni Romina.




"Salamat." sabi nung ale na nginitian ko lang.




Pauwi na kami galing school. Magkaklase rin kami. Kung tutuusin halos buong buhay ko nang kasama itong bestfriend ko.




"Manong para ho."





Di ata narinig ni manong yung pagpara nung bata kaya sinegundahan ko.




"Manong para daw."




Huminto ang jeep pabigla. Dahilan para magising si Romina na himbing na natutulog sa tabi ko habang nakasandig sa mga balikat ko.




Pupungas pungas itong napalingon sa bintana. Tinitignan nya marahil kung saan na ba kami banda.





"Malapit na pala tayo." sabi nya na naghikab pa.





"Oo nga. Tulog ka kasi ng tulog." natatawang sagot ko naman.





"Nagbayad ka na ba?" tanong nya na sinamaan pa ako ng tingin.




Naiiling na dumukot ako ng bente pesos pero di pa rin naalis ang ngiti ko. Usually kasi kapag malapit na kaming bumaba tsaka lang kami nagbabayad.



"Manong bayad ho." sabi ko sa driver sabay abot ng bente.




Tumingin sa rearview mirror si manong nang makuha nya na yung bayad ko.



"Ilan tong bente?" tanong nya na sa aking nakatingin.




Napasulyap ako kay Romina na busy sa paghalungkat sa bag nya. Hinahanap na naman nya yung cp nya. Kasi naman yung bag nya ang dami na ngang laman ang gulo gulo pa.




Sinagot ko si manong nang hindi inaalis ang tingin sa bestfriend ko.






"Dalawa ho, manong. Isang manhid at isang nagmamahal ng palihim."

One Shot Stories atbp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon