I Love Monay

21 2 0
                                    

Title : "I Love Monay"





Sa wakas natapos din. Lahat ng emosyon naibuhos ko na sa sinulat kong ito.





"Uy bes, ano yan?"






"Ah ano lang toh ---"






"Love letter yan ano?"





"Hindi ah."






Bigla nyang inagaw yung papel na hawak ko. Tapos binasa nya sa harap ko.






"Ang hirap mo pa lang mahalin. Kaya ko namang gawin lahat para sayo. Kaso lang dumarating pa rin ako sa puntong napapagod na at nagsasawa na rin. Lalo na sa mga oras na kailangan kong tiisin yung masasakit na salita. Yung mga hirap na dinaranas ko makuha ka lang. Yung mga sugat na pisikal. Lalo na yung sugat na di nakikita ng mata o nagagamot ng kahit na anong medisina. Pero balewala lang yun sakin. Kasi kailangan kita. Hindi ako mabubuhay sa mundong ito kung wala ka. Kayang kaya kong magtiis, maghirap, masaktan, masugatan sa kahit na anong paraan para lang sayo. --- I love monay."







Huh? Tama ba yung dinig ko sa last part? Teka ---






"Waaaaahhhhh! Sino si Monay? Crush mo? Ikaw ha bes nagsesecret ka na sa akin. Hulaan ko name nyan, Monalisa or Monica? Tama ba? Aayyyiiieeee! Pumapag-ibig na si Crisostomo Magtanggol, finally!"






Kinuha ko mula kay Bianca ang papel na pinagsulatan ko ng essay na entry ko para sa competition sa school junior journalist club.








Binasa ko yung huling part.







"Kinikilig ako bes. Forever na ba yan?"







Sinamaan ko sya ng tingin.







"Tanga! Typo error lang pumapag-ibig na agad? Ang theme ng essay competition ay tungkol sa pera. It's supposed to be I LOVE MONEY. Boba! Echuserang bruha ka! Naimbyerna beauty ko sayo, tse!"

One Shot Stories atbp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon