CHAPTER 12 TSYO

991 25 3
                                    

*Kathryn's POV*

"Miss Zembrano? Kath? Kathryn?!"

"SUNOG!" I wailed. I covered my mouth nang marealize ko kung ano yung isinigaw ko.

I blushed furiously at natawa siya. He shook his head.  "Ano bang iniisip mo Kath? You spaced out."  he piped.

Napangiti ako ng peke. I was embarassed and mad. Nakakainis talaga tong boss ko.

I was about to speak nang magsalita na naman siya. "So, paano ba yan Kath, iisa lang ang kama." he said quite seductively.

Hindi ko alam kung sinasadya niya ba yung tonong yun o sadyang imahinasyon ko lang. It was still a mystery to me really, his voice.

I sighed.  "Well, ayos lang sakin sa sofa na lang ako. I can be comfortable there."  I replied curtly.

He smirked. Napatingin ako sa sofa, it looks uncomfortable at talagang hindi pang-tulugan. Masyadong makipot kahit malambot, sa palagay ko hindi ako kasya.

"Sige, if you want that."  He said smugly.

Napataas ang kilay ko. Grabe ha! Hindi man lang siya nag-offer for me to have the bed like a gentleman. Grabe talaga. Hay nakakainis.

I smiled sickeningly at napangisi lang siya.

"Now, if you'll excuse me Kathryn, I have a lot of work to do."  sabi naman niya sakin, tumalikod na siya at naglakad papunta sa walk-in closet ng jet. I assume na nandoon ang laptop niya.

I nodded and spoke.  "Yes sir, magsi-C.R. lang po ako."

He lifted his head towards me.  "Please Kath, no need to inform me." masungit niyang sabi.

Bipolar talaga ang Eleazar na to. Una, kala mo makatukso parang bata tapos biglang magiging seryoso tapos magiging masungit.

Anong klaseng tao ba siya?!

"Gulo ng lahi."  I muttered silently. Naglakad na ko papunta sa mga bagahe ko at kinuha ang toothbrush at facial wash.

Kailangan ko na siguro mag-pantulog.

I opened my luggage widely and my mouth gaped.

"N-nighties?! What the actual hell?!"  Sigaw ko sa sarili. Bakit nighties ang pantulog na nakalagay dito sa bagahe ko?!

I clutched the thin fabric in my hand. Hindi ko to pwedeng isuot. Baka isipin pa nung Eleazar na yun na inaakit ko siya.

"Kapal naman ng face niya kung iisipin niya yun."  I muttered to myself.

I sighed. Isang tao lang ang kilala kong gagawa nito. Si Michelle.

I picked up my phone and dialled.

"Hello?"

"Hello Michelle! Anong ginawa mo sa mga pantulog ko?! Seriously bakit mo pinalitan ng nighties?! Nighties for God's sake. Isang higa ko lang sa sofa mapupunit na to!"  I shrieked.

"Aray naman Ate ha, makabasag ng eardrums ba?"

"Sagutin mo ko ng maayos para hindi kita katayin pag-uwi ko."  I threatened.

She chuckled and sighed.  "Hehe. Ate naman kasi, pang-manang lahat ng pantulog mo. Paano ka magugustuhan ng boss mo kung ganun hitsura mo?"

"Hindi pang-manang ang pantulog ko-Teka, sinasabi mo bang pangit ang Ate mo?"

"Ahh..Ano Ate ehh. Toot toot..Ate, hindi na kita marinig! Toot..toot.." 

"Wag mo kong lokohin Michelle alam ko yang style mo."

Three strikes you're out. (KathNiel FanFic)Where stories live. Discover now