CHAPTER 30 TSYO

541 12 6
                                    

*Kath's POV*

"Ano na naman?" I questioned over the phone. He chuckled roughly and I rolled my eyes.

"Bakit? Bawal bang tumawag sa gi-sayo?" he spoke, at napapikit ako when he cut himself off. Muntik niya nang sabihin ang word na girlfriend.

I pinched the bridge of my nose. Sinubukan kong balewalain ang pagbabago niya ng isip, pero I can't help but think he ommitted more than just the word. "Pwede naman. Pero bakit sampung beses for the past two hours?" tanong ko.

He sighed.  "Wala akong magawa."  he replied flatly. Napataas ang kilay ko.

"Anong akala mo sakin, entertainment section? Hindi ka ba busy sa trabaho Mr. Eleazar?" I asked teasingly. Napatalon ang puso ko sa tunog ng tawa niya.

I clutched my heart. Ang landi mo ha. "I was kidding. Ang totoo niyan, I just miss you. I can't wait to see you pagbalik ko."

Nako aatakihin ako sa puso sa taong to ehh. I snorted.  "Ang cheesy mo. Naimpake mo na ba lahat ng kailangan mo?"  I asked.

"Yeah, ayos na po ang lahat. God, you're worse than my mom." biro niya. Natawa lang ako. I leaned back in my seat and fixed some papers.

"Hay nako, you better get moving Daniel. Aalis na ang private plane mo in an hour." I said sternly.

"Yes Ma'am!" he spoke in mock salute. Nakita kong napatingin sakin si Keagan at sumesenyas ng puro hearts sa paligid ko.

I rolled my eyes.  "Sige na. Have a safe flight." sabi ko naman.

He muttered a quick goodbye. Napangiti ako sa sarili ko. Grabe, ganito pala yung pakiramdam. Ang tagal na panahon ko nang nakalimutan to. Yung pakiramdam na may taong nandyan lagi para sayo.

Yes, there's my family at nandyan din ang mga kaibigan ko. Pero...pero iba din pala kapag may taong katulad ni Daniel sa buhay ko. I sighed contentedly.

"Ngiting inlove." I heard a voice say. Napatingin ako sa pinanggalingan nito at si Keagan pala. Binato ko siya ng ballpen.

"Aray naman ahh!" she argued. Napatawa lang ako.

I hummed a soft tune as I texted Lexie. Paparating na siya sa pagkikitaan namin. Ilang oras na lang magkikita na ulit sila ni Daniel.

I am so excited. Sigurado akong ikatutuwa niya to. I smiled inwardly at the thought.

************************************************************************************

"Kath, okay lang ba yung itsura ko?" she asked me, as she tried to fix her dress and her hair. Napangiti lang ako sa kanya.

She was wearing a stunning red cocktail dress, her hair in a tight bun. Kung tititigan mo siya, hindi mo aakalaing napakadami niya nang pinagdaanan.

I smiled proudly at her.  "You look very beautiful. Sigurado ako matutuwa si Daniel na makita ka."

She hugged me tightly, I rubbed her back and sighed. "Thank you so much for doing this, Kath."

Narinig kong tumunog ang cellphone ko, signalling his arrival at the restaurant. Nandito kami ngayon sa favorite restaurant ni Daniel at sinabi kong puntahan niya ko dito.

"Wala yun, it's my pleasure. Excuse me, I think nandito na siya." I told her and she smiled back.

Naglakad ako papunta sa entrance ng restaurant and I saw him, his back facing me. Nakasuot siya ng isang simple, three piece black suit and he was dashing as ever.

"You're late."  sabi ko sa kanya, bigla siyang napalingon and his eyes ran down my body. Napangiti siya and he walked closer to me.

He held my waist and whispered.  "And you're beautiful." I gasped and slightly punched his shoulder.

Three strikes you're out. (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon