CHAPTER 31 TSYO

450 13 3
                                    

*Kath's POV*

"Nakakailang tub ka na?" I heard a voice say.

Napatingala ako mula sa pagkakatitig sa lalagyan ng ice cream. I weakly smiled. "Ano sa tingin mo?"

She chuckled and went closer to the foot of my bed. "Hmm...dalawang araw ka nang nagsick leave so palagay ko anim?" she guessed.

Napatawa lang ako.  "Hindi naman ako ganun kaadik sa vanilla ice cream, Keags. Mga pito pa lang naman." I teased.

She plopped beside me and took a scoop from the tub. "Alam mo ang boring talaga ng vanilla flavor. Paano ka nakakatagal?" she asked me.

I sighed. Napaisip na naman ako sa mga pangyayari. "Hindi na nga ako nakatagal ehh." I choked.

Napakagat ako sa labi ko. Dalawang araw na kong hindi pumapasok sa trabaho, tawag ng tawag si Daniel sa telepono't cellphone ko pero sa tuwing nakikita ko yung picture niya sa caller I.D. mas lalo akong napapaiyak.

A tear fell from my eye and Keagan hugged me from the side.  "Anoba Kath! Ang tatag tatag mo ehh. Matapang ka, lalaki lang yan!" she whispered to sooth me.

Napatango ako.  "Oo, Keags. Matapang nga ako. Kaya ko to, I'l get over it pero..pero sa ngayon ang sakit lang ehh." I spoke, feeling the hot tears streaming down my face.

Napasuntok ako sa kama, she rubbed my shoulder comfortingly. "Ang hirap lang talaga Keags. Hindi nga ako makapaniwala na mas masakit pa to kesa dun sa mga nauna."

"Alam ko masakit, mahirap, nakakaasar. Pero hindi naman dapat tumigil ang mundo dahil sa isang lalaki lang diba? Marami pang lalaki diyan." she told me.

Napaisip ako. Kahit sobrang nasaktan ako sa mga sinabi n Daniel sakin, I can't help but think that I'll never find someone as perfect as him. Hindi lang dahil sa yaman o sa hitsura niya, but it's everything about him.

At dahil dun, mas lalong ang sakit.

"Alam mo wag kang mag-alala, pag nanghingi ng kape yan si Mr. Eleazar sakin, lalagyan ko ng lason o kaya..o kaya dura ng kabayo!" Keagan shouted.

Napatawa ako ng malakas.  "Kadiri ka talaga Keags." She nudged my shoulder.

"Dapat lang sa kanya yun. Swerte nga siya yun lang ang balak ko eh." she added. Napailing lang ako.

"Hay nako, wag na nga natin pag-usapan ang mga halang ang kaluluwa. Tara manood na lang tay ng movie." she told me.

Kumuha siya ng isang CD mula sa collection ko. Napangiti ako nang nakita ko ang pinili nya.

"Ireremake natin to someday, gagawin nating Daniel Eleazar must die." sabi niya, with a deadly expression showing me the cover of John Tucker Must Die.

"Thank you Keags." I spoke, truly meaning it. For being the greatest best friend a girl could ever ask for, she deserves it.

Tumabi siya sakin at dinaganan ako ng yakap.  "Ikaw pa malakas ka saking bruha ka ehh." she joked.

And soon enough, we were tackling each other.

"Aray naman yung buhok ko!"

"Yung paa ko bakit mo kinagat putik ka."

"Punyeta ka Kathryn ang sakit nun!"

****************************************************************************

"St. Michael's Hospital please." sabi ko sa taxi driver. Napasandal ako sa upuan ng sasakyan, I sighed.

Dahil dito sa drama kay Daniel, nakalimutan ko na tuloy bumisita kay Mich. Naaalala ko pa kanina halos hambalusin ako palabas ng bahay ni Keags para lang umalis kami.

Three strikes you're out. (KathNiel FanFic)Where stories live. Discover now