CHAPTER 7 TSYO

1.1K 30 5
                                    

*Kath's POV*

"Ate, goodmorning!"

Nginitian ko si Michelle habang pababa ako ng hagdan. We've been living together for a year now, kaming dalawa lang. Naiwan sa probinsya ang parents namin. Ako nagtatrabaho sa isang kompanya bilang secretary habang nag-aaral naman si Mich.

"Goodmorning, sis! Aga natin ngayon ahh." sabi ko naman sa kanya.

She only smiled. She continued carrying the eggs and bacon sa table. Si Mich kasi sobrang maalaga, mahilig pa mag-aral. Siguro dahil din to sa pagsuporta ko sa kanya. College na si Mich ngayon, 4th year.

"Mmm. Ang sarap mo talaga magluto, sis. Mag-chef ka na lang kaya?"

She scrunched her nose in amusement. "Ha.Ha. Very funny, Ate. Pero alam mo naman na I like law diba?"

I nodded. "Sabi ko nga. Anyway, thank you sa breakfast sis. Maliligo na ko."

Tinusok niya lang yung itlog and nodded. "Ingat. Uwian mo kong kitkat ahh!"

I shook my head as I walked. Ang kapatid ko, kahit sobrang seryoso niyan, isip-bata pa rin minsan.

Nagpunta na ko sa kwarto ko and I looked at myself in the mirror.

I've changed a lot. Iniba ko na yung kulay ng buhok ko when I turned twenty. I stared at my tired reflection on the mirror. I brushed some loose strands of my hair away.

I walked to my bathroom at nagsimula na ng morning rituals ko.

I was brushing my teeth nang matitigan ko ang lovebite sa leeg ko. I touched it gently and I winced. Masakit pa rin siya. Medyo namumula pa rin at may traces of teeth sa paligid.

Kainis talaga. Stupid guy. Nakakaasar, porke't gwapo. Bakit ganun? I still can't believe I fell for his spell. Usually hindi naman ako ganun ehh. Madalas metikulosa't mataray pa nga raw ako sabi nila kaya raw kahit maraming gustong manligaw sakin, umiiwas dahil sa takot mapahiya.

Hindi naman ako ganun kataray, diba?

I walked briskly out of my bathroom at naghanda na ng isusuot. Kumuha ako ng isang black blouse na mataas ang leeg, para matakpan yung...yung lovebite. I also paired it with white pants and a nice bag.

I like to look professional sa trabaho ko. I'm working as a secretary sa isang kompanya.Ako ang secretary ng Vice President.

It pays really well actually, kaya ko kinakaya mag-provide para sa aming dalawa ni Mich dahil sa trabaho ko. I could never afford to lose it. Lalo na sa kondisyon ni Mich..

Kung nagtataka kayo, yes. May kondisyon si Mich. May sakit siya sa puso, she has a mild condition affecting her heart valves na pwede niyang ikamatay. Pero dahil sa trabaho ko, I could pay for her medications.

I brushed off the thought at nagsimula nang magbihis.

My phone beeped. Si Keagan. Ang pinaka-close ko sa office.

"Hello?"

"Kath! Nasaan ka na? Anong oras na oh, baka ma-late ka."

I sighed, putting on my shoes. "Eto na po. Paalis na."

Natapilok pa kong konti sa pagsusuot ng sapatos ko. I could faintly hear Mich na tinatanong ako kung okay lang ba ko.

I mumbled a simple yes to her. "Hoy Kathryn, aalis tayo mamaya ha? I need you."

I smirked. "At bakit, nag-away kayo ni Brad no?"

Si Brad ang boyfriend ni Keagan. On and off palagi ang relationship nila. So, ako palagi ko siyang kino-comfort kapag nagkakatampuhan ang dalawa. Mabait din naman si Brad.

Three strikes you're out. (KathNiel FanFic)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang