CHAPTER 32 TSYO

490 14 3
                                    

*Kath's POV*

It was bliss.

We spent every waking moment together. All the laughs, the late night meet-ups sa opisina, sharing stories about our childhood. Dalawang linggo pa lang ang nakakalipas simula nung naging girlfriend ako ng isang Daniel Eleazar, and so far it has been the best two weeks of my life.

Sa ngayon, nakatayo ako sa harap ng microwave oven, waiting for the machine to beep signalling that the popcorn is already cooked. Napapaisip ako sa mga nakaraang araw, they've all been wonderful.

Pero, there's still something that's bothering me.

"Boo!"

"Ay kabayo!" I yelped. Napatalon ako sa gulat, I heard chuckling beside me. Napalingon ako sa gilid ko, and there he was clutching his stomach.

Pinalo ko ang braso niya.   "Walangya ka ha! Muntik nang umalis sa katawan ko yung kaluluwa ko. Bakit ka ba nanggugulat?" I asked him.

"Ganun ka na ba kagutom sa popcorn at napapaisip ka ng malalim diyan?" he asked me back. I only sighed in response.

Hinawakan niya bigla ang nakapatong na kamay ko sa counter, he squeezed my hand gently.

"Wanna tell me what's wrong?" He spoke. I felt my fingers shake and I bit my lip.

The sound of beeping interrupted us, I faced the microwave oven and grabbed the popcorn bag. Nililipat ko yung laman nito nang maramdaman kong niyayakap niya ko palikod.

I sighed deeply.  "If it's about Michelle, wag ka nang mag-alala. The doctors said-" I cut him off.

"Alam kong sinabi nila na magiging maayos din ang lahat. Pero..I can't help but worry, Daniel. Alam mo naman yun. Dagdag pa yung isang linggo ko na siyang hindi nakikita. Hindi ko man lang nga nasabi sa kanya na tayo na...." I trailed off.

Napasandal ako sa counter, as I faced him slowly.  "...And to think na nagsasaya ako kasama ka, habang yung kapatid ko kung anu-anong mga machines yung ginagamit sa kanya." I started to tear up.

Nararamdaman ko na yung mga luha sa gilid ng mata ko. I wiped them away.  "..I just want everything to be okay for once! I just-" he cut me off by hugging me tightly.

"Shh..wag ka nang umiyak please? Everything will be just fine. Your family's here, Michelle's okay..and we're okay." he whispered. I bit my lip to keep me from sobbing.

Napatango ako.  I sighed and calmed myself down.  "Alam mo, you're right. Hindi ako dapat mag-alala.Hindi ko alam kung bakit nagpapanic ako ng ganito, I'm sorry." I told him.

Napangiti lang siya sakin.   "Ano ka ba, don't say sorry. Naiintindihan ko, natatakot ka lang para sa kapatid mo. And pag natapos na lahat to, I'm sure magiging masaya siya na malamang tayo na." he teased.

He kissed my forehead gently.   "Come on, Kathryn. Let's watch a movie."

**********************************************************************************

Kakatapos lang namin manood ng The Avengers ni Daniel sa living room niya. Kanina niya pa ko pinipilit na umupo sa gitna ng mga hita niya, pero hiyang hiya ako.

In the end, siya pa rin ang nanalo. I ended up sitting there with my face red like a tomato. Nakangiti lang siya sakin, but I found it comforting after a while.

Ganito pala ang pakiramdam ng may boyfriend, nang may nag-aalaga sayo, may taong gusto lagi kang nakadikit sa kanya at nakikinig sa lahat ng kwento mo.

Ang saya pala.

He was currently playing with my hair when I realized something. "Bakit nga ba Kathryn palagi ang tawag mo sakin?" I asked him.

Three strikes you're out. (KathNiel FanFic)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ