CHAPTER 13 TSYO

975 20 2
                                    

*Kath's POV*

I held my head in my hands. Ano kaya talaga ang nangyari?! Posible kaya na..

"H-hindi. Hindi okay?!" sabi ko sa sarili ko. Nasa loob pa rin ako ng kwarto ni Mr. Eleazar, nag-iisip. Actually, nagpapanic kung ano talagang nangyari. God, ang tanga tanga ko!

"Hindi pwede yun. Hindi pwedeng sa isang manyakis at aroganteng tulad niya mapupunta ang-"

"Ang ano, Kathryn?"  I heard a voice say.

Namula agad ang mukha ko. Nandun ba siya kanina pa?! Kanina pa ko salita ng salita dito sa likod ng pintuan. I sighed.

I slowly opened the door. It revealed a smirking Mr. Eleazar.

"Ano nga uli yung sinasabi mo, Miss Kathryn?"  tanong niya.

I put on a fake smile and spoke.  "Nothing, Mr. Eleazar."

He smirked again. "Tell me, Kath. Do you think we slept together?"  direktang tanong niya.

Namula ang pisngi ko. He smirked wider. "I-i..I don't know."

He laughed loudly. Nakatayo lang ako dun habang pinapanood siyang matamaan ng saltik. Grabe, ano bang meron sa utak nito?

"Tapos ka na?"  I asked rudely. Napatingin siya sakin with a smile on his face.

"I just love annoying you." sabi niya naman. I rolled my eyes. Napakachildish pala ng CEO at Owner ng Eleazar Group of Companies.

"Buti naman nag-eenjoy ka no?"  tanong ko sa kanya with a sarcastic tone.

He simply nodded. Maglalakad na sana ko palayo nang magsalita uli siya.

"Wag kang mag-alala Kathryn, walang nangyari. Nakita kasi kita sa lapag kagabi, nahulog ka ata sa sofa. At napansin ko na nilalamig ka sa suot mo. Napakanipis kasi. So, I brought you to my room at pinalitan kita ng damit. Hindi na rin naman ako makatulog ehh."

My eyes widened. Tinulungan niya ko? Hindi niya ko pinabayaan?

"Tinulungan mo ko?"  I asked. He simply nodded.

I spoke again.  "S-salamat. Kung hindi mo ginawa yun baka..Teka, ikaw ba ang nagpalit ng damit ko?!"  I asked frantically.

Nanlaki ang mata niya. Siguro hindi niya inaasahan na maririnig ko yun sa mga sinabi niya. Namula agad siya and he smiled guiltily.

"Alangan naman yung piloto yung ipagpalit ko diba? And besides, hindi ako tumingin okay?"  he said.

Parang lahat ng dugo ko sa katawan umakyat sa mukha ko. Siya ang nagpalit sakin?!

"Ang manyakis mo talaga, Mr. Eleazar!"  I spat. Napataas ang mga kamay niya in surrender.

"Hey, don't blame me! Ikaw ang nag-suot suot nung nighties na yun ehh. Kung inaakit mo ko, sorry to say Miss Kathryn, hindi ka nagtagumpay."  biro niya.

Nag-iinit na naman ang dugo ko. Pigilan niyo ko! Hahambalusin ko na talaga tong boss ko!

"Sorry ha?! For your information, hindi kita inaakit okay?! Yung kapirasong tela na yun ang sinuot ko dahil ipinagpalit ng kapatid ko lahat ng pantulog ko ng nighties! God, kadiri ka Mr. Eleazar, hindi kita aakitin no! Kahit ikaw pa ang nag-iisang lalaking buhay dito sa mundo!"  sigaw ko sa kanya.

Napatakip ako sa bibig ko nang marealize ko kung ano ang mga sinabi ko sa boss ko.

Goodbye, malaking sahod.

Oh no. Patay talaga ko. Lalo na't maiksi pa ang pasensya ng malademonyong boss ko. Namula ako sa hiya and I couldn't speak.

I spoke again.  "I-i..err..Sir I am so sor-"

Three strikes you're out. (KathNiel FanFic)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora