CHAPTER 16 TSYO PART 1

998 20 8
                                    

*Kath's POV*

"So, what would you like for your hair, Miss Zembrano?"  she asked me.

Nagpadala kasi si Bryce ng isang babae dito sa bahay para mag-ayos sakin. Ayokong-ayoko nga dahil kaya ko naman mag-ayos ng ako lang. Kaso, mapilit talaga siya ehh.

I shook my head.  "Actually, hindi ko talaga alam ehh. Ikaw na bahala, I'm sure expert ka naman."

Napangiti siya sakin ng malaki. Tumango siya at nagsalita.  "Ma'am, thank you."

Napataas ang kilay ko.  "Bakit naman?"

She smiled again.  "Kasi po pinabayaan niyo kong ayusan kayo ng ako ang mamimili, yung ibang babae po kasi na pinapaayusan sakin ni Sir Bryce napakaarte. Kulang na lang lagyan ko ng christmas lights ang buhok nila para stand-out."  natatawa niyang sabi.

Pero medyo hindi ako natawa. Mga babae? Ilang babae na kaya ang inimbita at pinaayusan ni Bryce sa kanya? I frowned at the thought.

Wala si Michelle sa bahay. Umalis siya kaninang umaga pa, may lakad daw. Hindi ko alam kung saan pero, pinayagan ko naman siya kasi I trust her.

"Okay Miss, game na."  sabi ko sa kanya. She nodded at pinaupo na ko sa vanity table.

Naglabas siya ng kung anu-anong kolorete at make-up. I really don't know what she's up to and I'm a bit scared to find out. Natawa ako ng konti.

"Miss?" tawag ko.

Lumingon siya.  "Bakit po?"

"Ahh, kahit ano pwede mong gawi basta sana wag lang kulay green o violet baka magmukha akong sapin-sapin tsaka wag lang din sana magmukhang valentina lang ang peg ko."  biro ko sa kanya.

Natawa siya.  "Wag po kayong mag-alala Miss Zembrano. Akong bahala."

I nodded.  "Kath. Kath ang name ko."

She smiled again.  "Leslie. So, ready ka na ba?"

I nodded and closed my eyes.

**********************************************************

Napanganga ako sa harap ng salamin. A girl wearing beautiful make-up that's barely noticeable and great, flowing locks of hair was staring right back at me.

Yung babaeng yun ay ako.

Grabe ha. Magikera lang ang drama ni Leslie. Parang beast turned to beauty! Ang taray!

She giggled at my reaction. "Kath, suot na natin sayo yung gown na pinadala ni Sir?"

Tumango ako at nilabas niya ang isang pink na box. May ribbon ito sa gitna at may message.

The beauty of this dress could never compare to the beauty of the one wearing it.

-Love, Bryce.

May narinig akong tumili ng konti sa tabi ko, paglingon ko si Leslie.

"Leslie, okay ka lang?"  tanong ko.

"Oo naman po Miss Kath. Nakakakilig lang si Sir Bryce. Ang swerte swerte mo naman Miss Kath."

I smiled. Ang swerte ko nga.

Pero hindi ba mas maganda kung si Daniel ang nagbigay niyan sayo?  tanong ng boses sa isip ko.

I shook my head. Ano ba yang mga iniisip ko?! Yung Hari ng Kadiliman na yun?!

"So, suot na natin sayo Miss Kath?"  tanong niya. Tumango ako at binuksan na namin.

It was simply beautiful. Hibang ata si Bryce o nakahithit ng katol nung sinabi niyang mas maganda pa ko sa gown na to. Eh kung sumali ako sa beauty contest na kalaban tong dress na to ehh malamang lagpak na ko.

Three strikes you're out. (KathNiel FanFic)Where stories live. Discover now