Manhid 32: Monster Keith

128 25 4
                                    

Manhid 32: Monster Keith

Ivy's POV

"Ivy." Nangunot ang noo ko nang paglingon ko ay si Keith ang nakita ko.

"What are you doing here?"

Nasa taping kasi kami kaya naman nakakapagtakang nandito siya. Imposible namang sinundo niya si Thea dahil kami lang ni Kurk ang nandito ngayon dahil kami lang naman ang magrerecord ng kanta.

"Can I talk to you?" Imbis na sagutin ang tanong ko ay naglakad lang siya papalapit at tinanong niya rin ako pabalik.

Saglit akong napatigil.

Amoy alak siya.

"S- Sure." Nagaalangan man ay napipilitang sagot ko nalang.



"Gusto talaga kitang makausap ng masinsinan simula noong umuwi ka." Nangunot ang noo ko nang ilock niya ang pinto.

"What are you doing?"
Nandito kami sa recording studio. Inaya ko siyang dito nalang kami mag-usap tutal dito ang working place ko mamaya.

"I just-- just want to make sure na walang manggugulo sa pag-uusap natin." Napatango-tango nalang ako.

"Ano bang sasabihin mo?" Kunot-noong tanong ko habang inayos na ang pagkakalagay ng mic sa stand nito.

"Gusto kong malaman kung anong nangyari sayo ng umalis ka dito." Seryosong sabi niya.

"Bakit hindi ka na nagparamdam saming mga kaibigan mo?" Dagdag niya pa.

"Bakit ako magpaparamdam? Multo ba ko?" Tumawa pa ako ng peke, nagbabakasakaling tumawa rin siya pero napaseryoso nalang ako nang hindi manlang siya nangiti.

"Nagkakausap kami nila Kaye Ann." Seryosong turan ko at dinampot ang gitara at ang casr nito.

"Bakit sa kanila lang? At bakit after 2 years hindi ka na rin nakipagusap kahit sa kanila?" Napagpasyahan kong hindi na lang sumagot sa tanong niya.

"Boyfriend mo ba si Kevin?" Hindi na ako nagulat sa tanong niya dahil halos lahat naman sila'y nasa isip na boyfriend ko si Kevin.

"No." Maikling sagot ko at naglakad papalapit sa pintuan kung saan maisasabit ko ang gitarang naibalik ko na sa case nito.

Dama ko ang titig niya sa akin, kinikilatis kung nagsisinungaling ba ako o hindi.

"He's not my boyfriend." Dagdag ko nalang.

"Then bakit nasa iisang condo kayo? May sarili ka namang bahay at nandon ang kuya at ang lola mo. Bakit sa condo ka pa nakatira? At ang mas malala, kasama pa siya!" Muling nangunot ang noo ko.

"Ano bang pakialam mo?" Agad siyang natahimik sa sinabi ko.

Nakakainis lang kasi. Sila Kaye Ann nga hindi ako tinatanong ng ganito. Siya pa kaya?

Hinarap ko siya at seryosong nagsalita.

"No offense Keith. But you're not my mother. So stop acting like you are." Naiiritang sabi ko.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan. Ngunit nawala iyon nang lumapit siya sa akin at hawakan ang dalawang braso ko gamit ang dalawang kamay niya dahilan para mas maamoy ko pa ang amoy ng alak na nainom niya.

Agad akong kinabahan.

"Listen Ivy." Nagsimula akong kabahan nang makitang seryosong-seryoso ang mukha niya.

"Alam kong alam mo na simula pa lang, gusto na kita. Kaya nga natuwa ako nung mahalikan kita sa clinic noong bata pa tayo (Manhid 2: A Night With Him). Ako ang nagbigay sayo ng anklet, alam mo ba? (Manhid 4: Jail Booth). Nalaman kong iyon ang dadalhin sa Jail Booth kaya binigay ko sayo iyon noong araw na 'yun. Nagbabakasakaling makakasama kita. Ako ang nasa tabi mo sa tuwing may problema ka! Katulad nalang ng umiyak ka dahil akala mo wala ng patutunguhan pa ang pagkakaibigan niyo ni Akira (Manhid 5: Friendship). Ang saya ko lang ng mahalikan ulit kita noong birthday ni Elmo (Manhid 7: Elmo's Birthday). Alam mo bang pina-frame ko pa yung mga pictures nating nakadikit sa bulletin board noon? ( Manhid 8: Me and Keith are in ... WHAT??). Alam mo bang nakipagsuntukan pa ako kay Kurk pagkatapos mong kumanta ng Crazy Love? (Manhid 12: Crazy Love). Nung umalis ka, halos mabaliw ako sa kakahanap ng paraan para magkaroon ng contact sayo! Kahit na may girlfriend na ako, ikaw parin ang nasa isip ko! Alam mo bang sira na ang relasyon namin ni Kurk dahil sayo? Hindi na nga ako makatagal sa isang lugar kung saan naroon siya dahil iniisip ko na siya ang mahal mo! Ako ang narito para sayo, Ivy! Pero bakit hindi mo manlang ako magawang tignan?" Isa-isang tumulo ang luha ko dahil sa mga sinabi niya.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon