Manhid 53: Boys, Boys, Boys, Boys.

124 21 10
                                    

Manhid 53: Boys, Boys, Boys, Boys.

Third Person's POV

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Kurk kay Nathan nang makitang dahan-dahang binubuhat nito si Ivy.

"Malabo ba mata mo?" Inis na tanong ni Nathan.

"Hindi." Nalilito man kung bakit itinanong ito ni Nathan ay sinagot na rin niya ito.

"Edi nakikita mo kung anong ginagawa ko." Balewalang sabi ni Nathan at binuhat na ng tuluyan si Ivy.

Naglakad na ito papuntang hagdanan nang harangan siya ni Kurk.

"Ako na ang bubuhat sa kanya." Sabi nito at hinawakan ang kaliwang kamay ni Ivy para ilagay sa batok niya. Kukuhanin na sana niya ang katawan ni Ivy pero agad siyang pinigilan ng binata.

"Bakit pa? Hindi mo ba nakikitang buhat ko na siya?" Nanlilisik ang matang tanong ni Nathan.

"Ikaw na ang nagsabi. Nakakakita ako. So bat tinatanong po pa kung nakikita ko ba? Malamang nakikita ko."

"Ang dami mong sinasabi. Tumabi ka nga!" Pinilit kuhanin ni Nathan si Ivy pero hindi ito binitawan ni Kurk.

"Bat di ikaw ang tumabi?" Nagtagis nalang ang bagang ni Nathan sa sobrang pagkainis.

"Alam mo ikaw, kanina ka pa e." Inis na sabi nito.

"Ikaw ang kanina pa!" Inis ding sabi ni Kurk.

"Hindi ko alam sayo kung ano bang takbo ng utak mo. Pinapaasa mo ba talaga si Ivy ha?" Madiin ang bawat salitang sabi ni Nathan na nakapagpatahimik kay Kurk.

"Hindi mo naman siya gusto hindi ba? So bat ka umaarte ng ganyan?" Tinitigan lang ni Kurk si Nathan na galit na galit na.

"Ano, para mahirapan siyang mag-move on sayo? Please lang pare. Ako, kaya ko siyang saluhin kapag nahulog siya sa akin. Pero ikaw? Kaya mo ba ha? Sasaluhin mo ba siya ha?" Nanggagalaiting sabi ni Nathan.

"Hindi diba? Kaya bitawan mo na siya." Muling sinubukan ni Nathan na kuhanin si Ivy ngunit muli ring hindi pumayag si Kurk.

"Ikaw ang bumitaw." Seryoso lamang na sabi ni Kurk at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa dalaga.

"Nakakalalaki ka na talaga e!" Kulang na lamang ay umusok ang butas ng ilong ni Nathan dahil sa sobrang galit na nararamdaman sa taong nasa harapan.

"Matanong nga kita, mahal mo ba siya ha?" Inis na inis na tanong ni Nathan na muling hindi nasagot ni Kurk.

"Ako, mahal ko siya. Mahal ko siya Kurk! Kaya bumitaw ka na!" Muling hinatak ni Nathan si Ivy at sa wakas, bumitaw si Kurk.

Natulala lang ang binata samantalang nagsimula naman ng maglakad si Nathan. Ngunit natigil siya sa paglalakad nang seryosong magsalita si Kurk.

"Hindi ko alam." Nakayukong sabi nito.

"Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para sa kanya. Basta ang alam ko lang.." Kung hindi lang buhat-buhat ni Nathan si Ivy ay malamang na napakuyom na ito ng kamao.

"Ang alam ko lang, gusto ko siyang nakikita palagi. Gusto ko siyang nakakasama. At.. At ayaw ko siyang mapalapit sa iyo." Pagkaraang magsalita ay hinarap ni Kurk si Nathan.

"Pwes ganun din ang nararamdaman ko." Seryosong sabi ni Nathan.

"Kaya nga hindi ako papayag na ikaw ang magbuhat sa kanya." Sabi ni Kurk at muling kinuha ang kaliwang kamay ni Ivy at inilagay sa batok niya.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon