JN's Note:
Ericaaaa! Eto na. Sorry ngayon lang ako nakapagdedicate sayo. Salamat sa lahat ng tulong mo. Iloveyou Be. :*
PS: Sorry sa typo. Hindi ko na ieedit.
Manhid 41: Fairytale
Ivy's POV
Nathan: Kung ako ang papipiliin, mas gusto kong manatili ka rito.
Nami: Gusto kita Nathan. At mananatili ako sa tabi mo.
Pakiramdam ko ay nag-init agad ang dalawang pisngi ko pagktapos mabasa na iyon na ang huling linya ko bago ulit magkiss ang dalawang character sa kwento. Buhat-buhat na niya ang dalaga sa kwento at habang naghahalikan ay dahan-dahan na niya itong ibababa sa kama.
Napakagat-labi nalang ako. Sa tingin ko ay hindi ko kakayanin ang mga mangyayari. Pakiramdam ko ay lalagnatin pa ako. T*ngnang buhay 'to!
Third Person's POV
Nanlalamig at nanginginig ang kamay ni Ivy. Marahil ay alam niyang maaaring hindi niya kayanin ang bed scene na mangyayari.
"Ivy! Will you please calm down? Kanina ka pa pabalik-balik diyan!" Iritang sabi ni Sherwin pagkatapos uminom ng kape. Gabi na at kakatapos lang niya magshooting at ang susunod na nga ay si Ivy. Silang dalawa nalang ang natira sa barkada maliban kay Kurk at Haley dahil sila nalang ang parte ng shooting.
"Huwag ka munang uuwi a? Hintayin mo na ako at ihatid sa bahay ni Lance." Kinakabahan paring sabi ng dalaga.
Simula ng umuwi si Scarlet at magtapat ng pag-ibig si Kevin sa kanya ay hindi na talaga siya sa condo tumira.
"Nga pala, nakikita mo pa ba ang pinsan mo? Simula nung magkita-kita tayong lahat sa P.R. kinabukasanng pag-uwi mo ay hindi ko na siya nakita pa." Saglit na napatigil si Ivy at napaisip.
"Oo nga no. Hindi ko na rin siya nakita simula noon. Nakalimutan ko na siya sa sobrang dami kong inaalala."
"Kasi naman, pati mga bagay na hindi na dapat pinagtutuunan ng pansin ay inaalala mo pa." Irap ang matang sabi ni Sherwin.
"Alam mo ba kung saan siya tumutuloy ngayon?" Tumango lang ang binata at nagsulat sa kapirasong papel na nasa harap niya.
"Here." Tinignan ng dalaga ang room number at ang pangalan ng condo na nakasulat sa papel.
"Nga pala, kelan balik ng kuya Charles mo?" Sadyang nagtatanong si Sherwin ng kung ano-ano upang malibang ang dalaga at hindi na maisip ang bed scene na gagawin niya kasama ang taong mahal niya.
"Ewan ko dun. Sabi niya susunod naman daw siya agad sa amin. Pero isang buwan na ang lumilipas, wala pa rin siya." Sabi ng dalaga at naupo na sa harap ni Sherwin.
"Hindi ko nga alam dun e. Ang alam ko, may nagugustuhn siyang babae dito sa Pinas pero ayaw parin niyang umuwi. Palagi niya ngang kachat at katext 'yun sa America e." Inagaw ng dalaga ang kapeng iniinom ng kausap.
"Girlfriend na ba niya?"
"Nung tinanong ko siya, kaibigan lang daw ang turing sa kanya." Kibit balikat na sabi lang ng dalaga.
"Ivy." Pareho silang napatingin kay Maxine na bagong dating.
"Magsisimula na raw kayo." Agad napatigil ang dalaga at bumalik ang kabang kanina pa nito nararamdaman samantalang napairap nalang naman si Sherwin.
BINABASA MO ANG
Love You Mr. Manhid (ON GOING)
Lãng mạnSalawikain: Aanhin pa si kupido kung patay na patay na rin ako sayo. Sad Version: Aanhin pa si kupido kung ubos narin ang pana nya sa kamanhiran mo!