Warning:
Medyo mahaba 'to. Baka tamarin kayo.
Manhid 39: Lights, Camera.. KISS!
Ivy's POV
"WHAT?" Nanlalaki ang matang sigaw ko.
"Hindi mo na naman ba binasa ang script mo? Nakupo naman Ivy! Ano ba talagang gusto mong mangyari?" Irita at pagod na tanong naman sakin ni Ian.
"Pumayag kami na hindi na iedit ang kissing scenes tutal umayaw lang naman kayo noon ni Kevin sa mga kissing scenes dahil may girlfriend siya. Pero ngayong hindi na si Kevin ang partner mo, there's no need para tanggalan at iedit ang kissing scenes." Paliwanag ni Maxine.
"Pero may girlfriend din naman si Kurk!"
"Oo nga. Pero si Kurk na mismo ang pumayag na 'wag nang iedit at itake nalang." Halos mapanganga ako dahil sa sinabi ni Maxine.
"Come on, Ivy! Trabaho 'to. Kaya kung may personal na problema kayo sa isa't-isa, ihiwalay mo rito!" Galit na sabi na ni Ian.
"At isa pa, basahin mo ang script mo!" Dagdag niya pa at inihagis sa akin ang papel na naglalaman ng script ko bago siya umalis.
Tinanguan lang naman ako ni Maxine at umalis na rin.
Napabuntong hininga nalang ako.
Isang linggo na ang nakalipas at pang-anim na shooting na namin ito.
Nagawa na namin ang kasalan ni Lance at ni Nami which is si Nathan at ako. Pagkraan ay sa mismong kasal nga hindi dumating si Nami at lumayas. Wala siyang ibang mapupuntahan kaya nagpalaboy-laboy lang siya. Sa sobrang pagod, nahimatay siya sa daan at nakita siya ng nanay ni Nathan o ni Kurk. Inuwi siya nito at doon sila nagkakilala ni Nathan. Naging close sila at 'di lumaon, nagkaroon ng feelings sa isa't-isa.
Tinignan ko ang hawak kong papel at nagsimulang basahin.
Nathan: Sigurado ka na ba?
Nami: Yes. Ayaw kong magpakasal sa kanya kaya mananatili muna ako rito.
Nathan: Why is that?
Napairap nalang ako dahil sa nabasa ko. Takte! May iko- corny pa ba 'tong script na 'to? Hindi ko nga alam kung paano naging sikat na Director 'yang Director Jayson na 'yan. Wala naman na akong choice kaya't binasa ko nalang itong muli.
Nami: Hindi ko naman siya gusto.
Nathan: Sometimes, kailangan mong gumawa ng mga bagay na ayaw mo para sa ikabubuti ng mga taong mahal mo.
Nami: Anong pinararating mo?
Nathan: Para sakin, para sakin lang naman a? Sa tingin ko dapat kang bumalik na sa mga magulang mo at pakasalan ang lalaking gusto nila para sayo.
Nami: 'Yan ba talaga ang gusto mong gawin ko?
Nathan: Iyon ang tama.
Nami: Fine. Bukas na bukas rin ay uuwi na ako sa amin.
'Yun na 'yung last line ko pagkatapos ay iiyak na ako. Papaalis na dapat ako nang pipigilan ako ni Kurk at doon niya na ako hahalikan.
*Lub Dub Lub Dub*
Agad akong napatigil dahil sa naisip ko.
Kakayanin ko ba 'to?
"Ivy!" Napatigil ako sa pag-iisip nang may tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita sila Kaye Ann.
BINABASA MO ANG
Love You Mr. Manhid (ON GOING)
RomanceSalawikain: Aanhin pa si kupido kung patay na patay na rin ako sayo. Sad Version: Aanhin pa si kupido kung ubos narin ang pana nya sa kamanhiran mo!