Manhid 13: Crazy Love

428 55 3
                                    

Manhid 13: Crazy Love

Ivy's POV

"Ivy, sigurado ka na ba talaga?"

"Paano naman kami? Paano naman ako?"

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa paulit-ulit na tanong nila Kaye Ann at Sherwin.

Kanina, first time kong magcut ng class at umuwi na lang kaya naman nag-alala sila at nang mag-uwian ay pumunta agad sila dito.

Mabuti na nga lang at wala sila Mommy at Daddy dahil busy sa pag-aasikaso ng mga bagay na maiiwan nila dito. Kung hindi ay baka sinermunan nila ako at sinabihang hindi nila ako pinag-aral para lang magcut ng class.

"Bakit naman kasi biglang nagbago ang isip mo? Kagabi lang sabi mo sa text hindi ka sasama sa America tapos ngayon sasama ka na?"

"Sabihin mo nga sa amin, may nangyari ba?"

Kanina, pagdating nila dito sinabi ko sa kanilang sasama na ako kaya naman tanong sila ng tanong kung bakit biglang nagbago ang isip ko.

Mabuti na nga lang at ilang oras bago sila dumating ay napakalma ko ang sarili ko at napatahan kaya naman hindi na maga ang mata ko nang makita nila.

"Pwede ba? Naririndi na ako sa inyo. Ilang beses ko bang sasabihing walang nangyari? Walang nangyari okay? Wala! Isa pa? WALANG.NANGYARI.!" Naiiritang sabi ko dahil sa totoo lang ay nakakarindi na talaga sila. Idagdag mo pa yung fact na nananakit pa rin ang mga mata ko at gusto ko ng magpahinga.

Halos sabay naman silang nagbuntong hininga.

"Hindi na ba magbabago ang isip mo?" Kulit pa ni Kaye Ann.

"Hindi na." Unless, pigilan niya ako.

Napailing ako sa naisip ko.

Bakit ka ba ganyan Ms. Heart? Sinaktan ka na niya! Sinaktan ka na NAMAN niya! Pero bakit?

Bakit siya parin?

"Kung ganon edi magpadespedida na lang tayo!" Ang kaninang lungkot sa mga mukha ni Sherwin at Kaye Ann ay napalitan ng mga malalapad na ngiti.

"Dali Ivy, aayusan na kita! " Hindi pa man ako nakakapagsalita ay hinatak na nila akong dalawa.


















"Para saan ba 'to?" Tanong ng kadarating lang na sila Crayon.

Agad naman siyang binatukan ni Kaye Ann.

"Aalis na ang pinsan mo, tatanga-tanga ka pa rin?" Saglit na nangunot ang noo ni Crayon dahil sa sinabi ni Kaye Ann. Maya maya pa ay bago pa ito makapagreact ay naunahan na ito ng mga kabarkada.

"Totoo ba Ivy?" Daliang tanong ni Keith kaya naman tumango na lang ako.

"Saan ka pupunta?" Sasagot pa lamang sana ako sa tanong ni Mark Allen nang magsalita na si Crayon.

"Sabi mo hindi ka sasama?" Kunot noong tanong niya. Tinaasan ko lang naman siya ng kilay.

Kunwari pa, may care siya. Tss.

Nandito kami ngayon sa isang rented room. May mini stage sa harap. May tatlong mahahabang sofa at isang malapad na lamesa. Ewan ko ba kung paano nalaman nila Kaye Ann ang lugar na 'to.

"Anong topak mo at nagbago isip mo?"

"Ilang years kayo dun?"

Andami pa nilang tanong pero hindi ko nalang sila pinansin. At isa pa, hindi ko naman din sila gaanong maintindihan. Kinakabahan kasi ako.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon