Manhid 15: Good Bye (Part 2)

421 51 4
                                    

Manhid 15: Good Bye (Part 2)

Ivy's POV

"Ivvvvvyyyyy!" Napangiwi na lang ako dahil sa malakas na sigaw ni Kaye Ann.

"Ivy huhu, mamimiss talaga kita." Nang makalapit siya sa akin ay niyakap niya ako ng sobrang higpit dahilan para mahirapan akong makahinga kaya naman agad ko siyang pinalo.

"A- Ano ba K- Kaye Ann! H- Hindi ako m- makahinga!" Niluwagan niya naman ang pagyakap sa akin.

"*Hikbi* S- Sorry na. *Hikbi* M- Mamimiss *Hikbi* lang talaga *Hikbi* kita." Magsasalita pa lang sana ako nang may kamay na pinaghiwalay kami.

"Ivvvy!" Napapikit nalang ako nang marinig ang matinis na boses na 'yun.

"Huhu. Ivy!" Niyakap niya ako pero agad din naman siyang bumitaw dahilan para makita ko ang namumugto niyang mata.

"U- Umiyak ka?" Alinlangang tanong ko.

"*Huhu* Ivy, kahit tawagin mo na akong *Huhu* Sherla araw araw, 'wag ka lang *Huhu* tumuloy please. *Huhu*, mamimis talaga ki--"

"Sherwin *Hikbi* lumayas ka *hikbi* nga! *tulak* Ivy! Huhu, 'wag kang mak---"

"Ikaw ang *Huhu* lumayas, Kaye Ann! *tulak* *Huhu*. Ivy, sumagot ka. 'Wag ka ng *Huhu* tumulo--"

"Sherwin, bwi--"

"Tama na, pwede?" Hinawakan ko silang pareho sa braso at pinatigil.

"Nasasayang lang ang oras ko. Isa pa, may pupuntahan pa kami pagkatapos niyo. Kaya umayos kayo, okay?" Pareho naman silang tumango.

"Kasi Ivy, mamimiss ka lang talaga namin." Nakapout na sabi ni Kaye Ann kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Don't pout!" Pinalo niya naman ako.

"Paalis ka na, ang taray mo pa!" Hindi ko na lang naman pinansin ang sinabi niya.

"Mamimiss ko rin naman kayo." Sabi ko na lang dahilan para mapangiti sila.

"Waaaaah! Ivy!" Napangiwi na lang ako nang yakapin nila akong dalawa pero bago pa man ako makapag reklamo ay humiwalay na sila.

"Anyway, pwede favor?" Tanong ko na ikinakunot ng noo nila.

"Ano?"

"Kanina, pinuntahan ko si Aki--" Hindi natapos ang sinasabi ko nang hawakan ako ni Sherwin sa dalawang braso ko.

"Anong nangyari? Sinaktan ka ba niya? Anong gi--" Puputulin ko pa lang sana ang pagsasalita niya nang unahan na ako ni Kaye Ann.

"O.A. ka na." Sabi niya at umirap pa. Dahilan para mapatawa ako. Mukhang war kapag silang dalawa lang ang magkasama.

"Tss. Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Sherwin at binitawan na ako.

"Okay na kami."

"What do you mean 'okay na kayo'?"

"Nagkabati na kami. Nagpaliwanag siya."

"Naniwala ka naman." Napairap na lang ako dahil sa sinagot ni Sherwin. Kahit kailan mainit talaga dugo nito kay Akira.

"So, ano yung favor mo?" Sasagot pa lang sana ako nang tawagin na ako ni Daddy.

"Bilisan niyo na diyan, Shanaia. Aalis na tayo." Tumango na lang naman ako kay Daddy.

"Hayst! Sige na, sige na! Aalis na 'ko." Daliang sabi at tumalikod na. Sinundan ko na paalis si Dad pero bago pa man ako makalayo ay huminto ako at nilingon sila.

"Habang wala ako, samahan niyo siya. Kaibiganin niyo siya."

Bago pa man ako tuluyang makaalis ay narinig ko pa ang malakas na pag-angal nila.
















Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon