Manhid 6 : Same Ring

407 62 8
                                    

Manhid 6 : Same Ring

Ivy's Pov 

Tulala akong naglalakad ngayon sa hallway. Kaasar kasi si Keith ehh >_<

*Lub Dub Lub Dub*

Agad kong tinampal-tampal ang sarili ko.

Gosh! Ano bang nangyayari sa akin? I cant believe this! Naiisip ko palang si Keith naririnig ko na ang tunog ni Ms. Heart.

Oh. My. Gosh!

What was that suppose to mean? At napapansin ko lang a, lumalambot ba ako?

"Ivvvy!" Natigil ako sa pag-iisip nang may tumawag sa pangalan ko.

Agad ko itong nilingon at nakita si Kaye Ann na kasama si Sherwin.

"Alam mo na ba?" Nangunot ang noo ko dahil sa tanong ni Kaye Ann..

"Ang alin?" Magsasalita pa lang sana si Sherwin nang may babaeng lumapit samin.

"Totoo po ba Ate Ivy?"

Pwede ba? Dont call me ate, hindi kita kapatid.

"Ang alin?"

"Na *brooooom*  na po ni Kuya *broooooom* ?" Mas nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Nanatili kaming tahimik na tila hiihintay niya ang sagot ko. Napatingin naman ako kila Sherwin at Kaye Ann pero wala rin. Tila naghihintay din sila sa isasagot ko. Muli kong tinignan ang babae sa harap ko at alanganing ngumiti.

"Ahh, Pwede pakiulit? Hindi ko kasi narinig. Dumaan kasi yung motor." Alanganing sabi ko at tinuro pa yung kalsadang malapit lang sa amin.

"Ahh. Ehh, ang sabi ko po e totoo ba na kayo na ni Kuya Kurk?" Halos mapanganga ako dahil sa narinig ko.

Kami ni Kurk? Impossible.

and a GREAT IDEA  *smirk*

"Ahh, bakit mo naman nasabi 'yan?" Agad niyang kinuha ang kamay ko.

"Ayan po o. Pareho kayo ng singsing. Couple ring po ba 'yan?" 

Tinignan ko naman sila Sherwin at binigyan nang 'Ano-Bang-Sinasabi-Ng-Babaeng-'to?-look.

"Excuse us, okay?" Sabi ni Kaye Ann dun sa babae at hinatak na ako paalis.

"Sa bulletin board, may nakadikit na picture--" Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Kaye Ann at tinakbo ko na ang way papuntang bulletin board.

"Makikiraan. Makikiraan." Sabi ko at pilit nakisiksik. 

Gosh! Ang daming tao. Sisingit pa sana ako nang..

*Boogsh*

Ouch! Yung pwet ko, Badtrip! 

Nakakaasar na a! Tumayo ako at inayos ang sarili ko saka..

"MOOOOOVEEEE!" Malakas na sigaw ko dahilan upang magsitigilan sila. Saglit nila akong tinitigan saka nagbulungan.

"Tignan mo yung kanang kamay niya o, 'yun yung couple ring nila.'

"Hala, oo nga 'no?"

"Totoo pala talaga e."

Kung ano ano pa ang pinagbulungan nila pero hindi ko na ito pinansin at nagsimula na akong maglakad papalapit sa bulletin board. At gaya nga nang sabi ni Kaye Ann, may picture  kami ni Kurk dun.

Pinagsamang picture namin 'yun. Yung sakin ay yung kuha kahapon na nakaupo ako at nakapatong sa lap ko yung kamay ko samantalang yung kay Kurk naman ay tanging kamay at kalahating mukha lang ang kita.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon