Manhid 57:
Ivy's POV
"Ano ba talagang gagawin natin sa bar?" Iritang tanong ni Kaye Ann.
"Tanga ka ba o tanga? Puro ka kasi landi e. Samahan mo naman ng konting aral." Irap ang matang sabi ko.
"Kanina ko pa sinasabi sayo, reunion daw." Dagdag ko pa.
"Reunion? E anong oras na." Hindi na ako sumagot pa.
Aba, malay ko ba!
Sila Elmo lang ang nagsabi sakin neto. Tinext lang nila ako na magpunta sa **** bar. Nandoon daw buong barkada. Reunion daw.
Ayaw ko nga sana pumunta. Lalo pa't malamang ay nandon lang sina Kurk. Pero pinilit nila ako at ang sabi pa, para kay Kaye Ann daw 'to.
"At bakit sa bar pa? Buntis ako, alam niyo naman." Isa pa nga 'yun sa iniisip ko. Buntis si Violet pati na si Kaye Ann. Kaya't bakit sa bar pa naisip magkita-kita?
"Saka reunion? Edi nandoon si Allen? Itigil mo na nga ang kotse." Utos niya.
"Tang*na mo Kaye Ann. Hindi mo 'ko driver ah. Kung ayaw mo siyang makita, edi 'wag kang pumasok. Maghintay ka sa labas ng bar." Iritang sabi ko.
Tang*na 'pag eto 'di ko natansya, bibigwasan ko 'to ng isa. Kanina pa puro reklamo e.
"Tsk." Tanging nasabi nalang niya.
Wala siyang kinukuwento kung anong nangyari sa kanila ni Allen. Nalaman ko nga lang sa media na nagkita pala sila ni Allen at nakipagbasagan pala ng bungo si Allen sa sinasabi nilang sikat na businessman na si Cyrus.
"Nandito na tayo." Sabi ko nang maipark ko na ang sasakyan.
"Huwag ka nalang uminom ng alcohol. Tutal, nandito naman daw si Violet kaya kayo nalang ang magsama." Sabi ko at bumaba na.
"Ano, iinom kami ng juice habang kayo nagsasaya? Huwaw! Exciting!" Sarcastic na sabi niya pagkakababa ng kotse.
"E kasalanan mo. Maaga kang kumire e." Nakangising sabi ko nalang at nagsimula ng maglakad.
Kaye Ann's POV
Bwiset talaga 'to si Ivy. Hindi makaramdam kung broken hearted ba 'yung kasama o hindi.
"Ayun sila." Halos pasigaw na sabi niya sabay turo sa isang gilid ng bar.
Nang sundan ko ng tingin ang tinuturo niya, nakita ko sina Akira at Elmo na magkaakbay at sweet na sweet sa isa't-isa. Jusko! Akala naman ng dalawang 'to may forever. Si Keith naman ay umiinom mag-isa samantalang katabi naman ni Crayon si Violet na tanging juice lang ang iniinom. Malayo palang ay halatang irita naman si Sherwin kay Stacy na mukhang kanina pa pilit ipinupulupot ang braso sa braso ni Sherwin. Si Kurk at Nathan naman ay masama ang tingin sa isa't-isa.
"Hey." Napalingon kami ni Ivy sa nagsalita at nakita sina Kevin at Scarlet na magkahawak-kamay.
Halatang naiilang si Kevin samantalang tila proud na proud naman si Scarlet.
"Kararating niyo lang?" Tanong ni Ivy.
"Obvious ba?" Mataray na pambabara ni Scarlet.
"Hindi. Kaya nga tinatanong ko e." Irap ang matang sagot pa ni Ivy.
"Shh. Sorry Lyreen. Yes, kararating lang namin." Nakangiting sabi naman ni Kevin.
"Bakit ka nagsosorry sa kanya? At 'wag ka ngang ngumiti!" Inis na sabi ni Scarlet at hinamapas pa si Kevin.
"Scar." Tanging nasabi lang ni Kevin.
"Pinag-usapan na natin 'to diba? Na magiging cold ka sa kanya? Aish! Diyan ka na nga!" Natawa nalang ako ng pikon na umalis si Scarlet. Halatang nagseselos ito pagdating kay Ivy.
BINABASA MO ANG
Love You Mr. Manhid (ON GOING)
RomanceSalawikain: Aanhin pa si kupido kung patay na patay na rin ako sayo. Sad Version: Aanhin pa si kupido kung ubos narin ang pana nya sa kamanhiran mo!